^

Dr. Love

Gustong magbago

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello and blest day, Dr. Love. Inaasahan ko na papaunlakan mo ang sulat kong ito na gaya ng iba ay naghahanap ng kalutasan sa problema ng aking puso.

Ako po si Herbert. Hindi ko na sasabihin ang aking apelyido kung maaari.  Ako ay 40 anyos na and still single dahil isa akong bakla.

Konserbatibo at relihiyoso ang aking mga magulang kaya pilit kong itinago ang damdamin ko at napaniwala ko ang marami na tunay akong lalaki.

Sinubukan ko ring manligaw pero hindi nagtagal ang mga naging karelasyon ko dahil ako na ang sumuko dahil dinadaya ko ang aking sarili.

Sa gulang kong ito ay pilit ko pa ring iwinawaksi ang aking damdaming bakla. Nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki pero sinasarili ko na lang.

Tama ba itong ginagawa kong pagkikimkim sa aking damdamin?

Herbert

Dear Herbert,

Alam ko na may pamamaraan ang Diyos para mawala nang tuluyan ang ganyang damdamin na kung Salita ng Diyos ang pagbabatayan ay talagang hindi wasto.

Taimtim na panalangin ang kailangan diyan at hingin mo sa Panginoong Diyos, sa ngalan ng kanyang anak na si Hesus na magkaroon ka ng tunay na pagbabago sa iyong puso at maging ganap na lalaki.

Magbasa ka rin at magbulay sa Bibliya sapagkat sa pamamagitan niyan ay  mauunawaan mo ang kalooban Niya para sa iyo.

Kinikilala ng Diyos ang iyong pagsisikap para maging kalugud-lugod sa kanya pero hindi sapat iyan. Dapat ay magsisi ka sa lahat ng sala at isuko mo nang buong-buo ang iyong sarili kay Kristo Hesus.

Dr. Love

AKING

ALAM

ANG

BIBLIYA

DAPAT

DEAR HERBERT

DIYOS

DR. LOVE

KRISTO HESUS

PANGINOONG DIYOS

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with