^

Dr. Love

You always hurt the one you love

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May isang napakalumang awitin na ang titulo ay “You always hurt the one you love”. Lagi raw nating sinasaktan ang damdamin ng ating minamahal. Ganyan yata ang nangyari sa akin kaya ako iniwanan ng aking asawa.

Tawagin mo na lang akong Verna, 25-anyos at kalahating taon nang hindi umuuwi sa akin ang aking asawang si Merto.

Ayaw ko sanang maging sentimental pero hindi ko maiwasan.  Aaminin ko na ang depekto ko ay ang aking pagiging masyadong possessive.

Selosa akong masyado at kahit hindi ko napapatunayan ay lagi akong naghihinala na mayroon siyang ibang babae.

Minsan, umaabot sa sigawan ang aming pagtatalo kapag inuumaga siya ng uwi. Hanggang sa kahit hindi totoo, sinabi ko sa kanya na may lalaki rin ako. Dahil sa sinabi kong yaon ay agad siyang nag-alsabalutan at iniwan ako. Iniwan niya sa akin ang aming kaisa-isang anak na lalaki na limang taong gulang.

Hindi ko alam kung nasaan siya pero nasaan man siya, ipinaaabot ko ang taimtim kong pagsisisi sa aking nagawa at nangangako akong magbabago na.

Nais ko ring iparating sa kanya na mahal ko siya at hindi ko kayang pagtaksilan siya.

Verna

Dear Verna,

Salamat at natauhan ka. Madalas, ang walang katuwirang pagseselos ay lason sa relasyon ng mag-asawa.

Siyempre, sa kasinungalingan mong sinambit na may lalaki ka, walang asawa na hindi masasaktan.

Tuntunin mo siya sa kanyang mga kaanak para malaman mo ang kanyang kinaroroonan at mag-usap kayo ng masinsinan.

Dr. Love

vuukle comment

AAMININ

ANG

AYAW

DAHIL

DEAR VERNA

DR. LOVE

GANYAN

HANGGANG

HINDI

STRONG

VERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with