^

Dr. Love

Gusto nang magsama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati muna ako sa iyo ng isang mabiyayang buhay. Ako po si Treena, 32 anyos. At hiwalay sa asawa.

Kasalukuyan pa lang umuusad ang annulment ng aking kasal sa aking mister na lasenggo at iresponsable.

Dalawa sana ang naging anak namin pero namatay sa pagkasanggol ang aming panganay dahil  sa dengue fever.

Mayroon akong kasintahan ngayon at mahal na mahal niya ang aking anak. Ibig niya na magsama na kami. Pero limang buwan pa lang nai-file ang aming annulment at wala pang desisyon ang korte.

Gusto ko sana ay maging malinis ang lahat bago kami magpakasal dahil ayoko ng live-in. Pero nagtampo siya at tinaningan ako ng dalawang buwan. Kung hindi raw ako papayag ay magkalimutan na kami.

Ano ang gagawin ko?

Treena

Dear Treena,

Kung mahal ka ng boyfriend mo ay dapat handa siyang maghintay. Tama ang katuwiran mo. Hangga’t hindi nalulusaw ang kasal mo sa unang asawa ay technically married ka pa rin sa kanya at ang makisama sa ibang lalaki ay labag sa batas ng tao.

Kumbinsihin mo siyang mabuti at ipaunawa mo sa kanya ang iyong katuwirang pinanghahawakan. Kung ayaw pa rin niyang maghintay, okey, maglimutan na kayo.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

ANG

ANO

BUMABATI

DALAWA

DEAR TREENA

DR. LOVE

HANGGA

IBIG

PERO

STRONG

TREENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with