^

Dr. Love

Inilihim na buhay pa ang ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May 6 taong anak po ako. Hindi ko pinaalam sa aking anak ang tungkol sa kanyang ama. Si­mula nang magtanong siya kung nasaan ang daddy­ niya, sinabi ko nasa heaven na.

Ang totoo ay nagkikita at magkaibigan kami ng kanyang ama. Sa katunayan, nito lang mga nakaraang araw nang huli kaming magkita. Sa ospital na pinagtatrabahuhan ko bilang nurse na-confine si Jake makaraang maaksidente.

Dati ko siyang boyfriend. Walang proper closure ang relasyon namin. Bigla na lang siyang nawala sa sirkulasyon ng buhay ko. Ang huling balita ko ay nagpunta na siya sa US.

At nang magkita kaming muli ay may asawa na siya. Dahil sa mga nangyari ay minabuti ko nang huwag ipaalam sa kanya na nagbuntis ako. Hanggang ngayon ito po ang pinaninindigan ko.

Nang minsang magkakwentuhan kami sa ospital­, sinabi niyang napakasaya niya na nagkita kaming muli. At bago siya lumabas ng ospital ay nakiusap siyang magkita kami sa airport bago raw siya bumalik sa Amerika.

Nag-aalangan po ako noong una pero nag­punta ako, kasama ang anak kong si Jasmine. Nakita ko kung gaano ang titig ni Jake sa aking­ anak at nang tanungin niya kung ilang taon na ang bata, mabilis siyang bumaling sa akin at magsabi raw ako ng totoo.

Nanindigan pa rin ako, Dr. Love at sinabing patay na ang ama ng aking anak. Pero hindi siya naniwala. Sa nararamdaman ko, parang siguradung-sigurado si Jake na anak namin si Jasmine.

Nangingilid ang luha niya bago siya sumampa ng eroplano at sinabing babalik siya agad. Ano po ang gagawin ko? May asawa na si Jake pero walang anak. Natatakot rin po ako sa katoto­hanan, kapag nalaman ng aking anak na buhay ang daddy niya. Pagpayuhan po ninyo ako.

Jane

Dear Jane,

Truth will set you free. Marahil nadama ni Jake ang lukso ng dugo nang makita niya ang bata. Posible rin na bukod sa lukso ng dugo, nakita niyang   kamukha niya si Jasmine. Kaya sakaling duma­ting ang isa pang pagkakataon na maipagtapat mo ang totoo, gawin mo. Isipin mo na lang ang kabu­t­i­han nito para sa inyong anak. Dahil karapatan ng bata na makilala kung sino ang kanyang ama.

DR. LOVE

ACIRC

AKO

ANAK

ANG

DAHIL

DEAR JANE

DR. LOVE

NANG

SHY

SIYA

STRONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with