^

Dr. Love

May asawa ang nakabuntis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Please, huwag mo nang babanggitin ang tunay na pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Cecil.

Buntis ako ngayon sa isang lalaking may pananagutan na. Dalawang buwan na ang aking dinadala.

Ang kasintahan kong may asawa ay taga-Tac­loban, Leyte. Naninirahan na silang mag-asawa rito sa Maynila pero bago maganap ang delubyo roon ay umuwi siya ng probinsya at hanggang ngayo’y wala na akong balita sa kanya.

Nangangamba ako na baka kabilang siya sa mga namatay dahil sa malaking pagbaha.

Hindi ko mabanggit ang kanyang pangalan dahil mai-eskandalo siya at kung sakaling wala na siya, hindi siya mag-iiwan ng mabuting alaala sa kanyang pamilya.

Pero gusto ko lang sabihin na napakasakit para sa akin ng nangyari lalu pa’t hindi ko batid kung buhay pa siya o wala na. Hindi ko personal na kakilala ang kanyang misis pero ayaw ko nang tuntunin pa siya dahil baka magkaroon ng eskandalo.

Ngayon ako nagsisisi sa aking ginawa. Walang magsusustento sa aking magiging anak at hindi alam ng mga magulang kong nasa La Union ang aking kalagayan. Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin?

Cecil

 

Dear Cecil,

Harinawa’y buhay pa ang ama ng iyong magi­ging anak. Pero dahil walang katiyakan ang bagay na iyon, magpakatatag ka at sikapin na maka­hanap ng matinong trabaho para maitaguyod mo ang iyong ipinagbubuntis.

Makakabuti rin kung ipaaalam mo sa iyong mga magulang ang kalagayan mo. Sakaling maga­lit sila, tanggapin mo at magpakumbaba ka dahil sa naging pagkakamali mo. Pero pasasaan din at kahuhumalingan nila ang iyong anak at magiging maayos ang lahat. Sana huwag kang makalimot sa aral na natutunan mo sa iyong pagkakadapa.

Dr. Love

BUNTIS

DALAWANG

DEAR CECIL

DR. LOVE

HARINAWA

KUMUSTA

LA UNION

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with