^

Dr. Love

H’wag patulan ang hipag

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kaunti na lang po ay mapapatid na ang pasensiya ko sa aking hipag, nakatatandang kapatid ng aking sumakabilang buhay na mister. Dahil sa naunsiyami siya na makakakuha ng parte sa kakaunting benepisyong nakuha ng aming pamilya sa SSS ng aking asawa.

Walang araw na hindi siya nagpapatutsa­da. Dahil sa utang na loob raw ng aking asawa sa kanya, na siyang sumagot ng pag-aaral nito. Dati nang nag-aambag ng buwanang tulong ang asawa ko kay Manang Susan dahil sa pagkakasaid ng kabuhayan dulot ng sugarol niyang mister.

Balo na po siya, walang trabaho at kahit may mga anak na lalaki na pwede na sana magbanat ng buto ay nananatili pa ring nakasandal sa kanya. Palibasa’y nasanay sa karangyaan.

Dr. Love, solo ko na rin po binabalikat ang lahat ng pangangailangan naming mag-iina. At sa pangkaraniwang sinu­sweldo ko bilang empleyado, kinukuha pati ang pagpapaaral sa aking dalawang anak. Hindi ko po maisasantabi ang aking mga anak para makapagbigay ng pera kay Manang Susan.

Nagtanong na kami sa abogado kung talagang ubligasyon namin na magbigay ng pera sa nakakatandang kapatid ng a­king asawa. Pero anuman daw ang na­ging kasunduan, kahit pa walang kasulatan ay kasama nang nawala sa pagpanaw ng aking mister.

Pagpayuhan po ninyo ako kung paano ko mapanghahawakan ang pagsubok na hatid ng aking hipag. Maraming salamat po.

Silvia

Dear Silvia,

Sikapin mo na huwag ituon ang atensiyon sa mga pasaring ng iyong hipag. Huwag mo rin hayaan ang iyong mga anak na magtanim ng galit para sa kanilang tiyahin.

Isipin n’yo na lang na ang magandang ani ay nakasalalay sa magandang itinanim. Kaya huwag patulan, sa halip magpatuloy sa mga gawain. Sakaling dumating ang pagkakataon na makapag-abot kahit kaunti, ipagkaloob mo. Dahil babalik din sa takdang panahon ang kabutihan ginawa mo.

DR. LOVE

AKING

BALO

DAHIL

DATI

DEAR SILVIA

DR. LOVE

HUWAG

MANANG SUSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with