^

Dr. Love

‘Di magka-anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Sana ay nasa mabuti kayong kalusugan sa pagtanggap sa aking sulat.

Tawagin n’yo na lang akong Adelle, 25-anyos at dalawang taon nang may asawa. Gustung-gusto na naming mag-asawa na magka-anak pero hindi pa pinapalad.

Pareho kaming nagpatingin ng asawa ko sa doktor at wala namang may diprensya sa amin.

Gusto ko na sanang mag-ampon pero ayaw ng asawa ko. Sabi niya, mas gusto niya ang sari­ling dugo at laman. Sabagay tama naman siya.

Masyado kasing pagod ang mister ko bilang isang sales representative at madalas maglibot sa buong Pilipinas at kung minsan ay sa labas ng bansa.

Ang payo ng doktor ay magpahinga at magbakasyon ang mister ko kasama ako.  Pero masyadong workaholic ang asawa ko at ayaw papigil sa kakatrabaho. Ano’ng maipapayo mo, Dr. Love?

Adelle

 

Dear Adelle,

Tama ang doktor ninyo. Maaaring sa sobrang pagod ay hindi na napag-uukulan ng pansin masyado ng mister mo ang pagbuo ng inyong baby. Dahil ang malaking bahagi ng kanyang buong araw ay naitutuon sa trabaho.

Kung minsan ay dapat ilatag ang inyong prayoridad at sundin ang bagay na mas mahalaga sa inyo. Palagay ko naman, sa sobrang sipag ng asawa mo ay may malaki na kayong impok. Kaya hindi magiging problema ang halagang gagastusin para makapag-relax kayo nang magkasama sa lugar na mapipili  ninyo.

Huwag naman puro trabaho. Sige. Magbakasyon kayo at mag-honeymoon para matupad ang pangarap ninyo na magka-anak.

Dr. Love

ADELLE

ANO

ASAWA

DAHIL

DEAR ADELLE

DR. LOVE

GUSTUNG

HUWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with