Tuloy ba ang kasal?

Dear Dr. Love

Unang-una ay bumabati ako sa iyo at sa bawat sumusubaybay ng iyong pitak.

Tawagin mo na lang akong Cora, 23-anyos at nakatakdang ikasal sa January ng susunod na taon sa isang American citizen na Pilipino. Nakilala ko lang siya sa Facebook pero nagkita na kami five months ago nang umuwi siya sa Pilipinas. Pilipino rin siya mula sa Bulacan.

Nagkasundo na kami pati ang aming mga pamilya na magpapakasal sa January 2015.

Kaso, dumating ang matinding trial sa buhay ko.  May kung anong sumakit sa aking dibdib at nang magpasuri ako sa doktor, agad niyang ipinayo ang operasyon dahil may malaking bukol daw ako sa aking dibdib na hindi ko napapansin.

Sa biopsy, lumalabas na stage 2 cancer ito. Kamakailan ko lang nabatid ito at hindi ko pa naibabalita sa aking boyfriend.

Nalilito ako dahil alam kong maselang sakit ang dumapo sa akin at parang gusto ko nang kanselahin ang nakatakda naming kasal para hindi ako maging pabigat sa aking magiging asawa. Tulungan mo ako at pagpayuhan.

Gumagalang,

Cora

 

Dear Cora,

May karapatan ang fiance’ mo na malaman ang iyong kondisyon. Kung mahal ka niya, dadamayan ka niya at tutulungan.

Hindi pa naman malubha ang cancer mo dahil stage 2 lang kaya mas malamang kaysa hindi na gagaling pa iyan.

Lakasan mo lang ang iyong loob.

Dr. Love

Show comments