^

Dr. Love

‘Bata’ ang minamahal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May limang taon na po akong balo sa edad na 43. Ang akala ko nga po, hindi na ako iibig muli. Pero nagkagusto ako sa binata na masyadong bata sa akin.

Nasa 27-anyos lang po si Dominique, pakikipagkaibigan lang ang intensiyon ko sa kanya noong una pero, hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko sa kanya. Ma­ging ang sampung taon kong anak na si Tommy ay napalapit na sa kanya.

Sa totoo lang ay hindi ko po alam kung saan magwawakas ang relasyon namin. Pero si Dominique ay gustong pakasal na kami. Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba, ang mahalaga raw ay nagmamahalan kami.

Ang sabi naman ng kapatid ko, maaa­ring ang mga minana kong ari-arian at pensiyon mula sa aking asawa ang hangad ni Dominique.Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin? Mara­ming salamat po.

Gumagalang,

Diane

Dear Diane,

May paraan para mapatunayan mong hindi ang kung anong meron ka, ang inaasinta ng iyong karelasyon. Sabihin mo kay Dominique na magkaroon kayo ng prenuptial agreement, na kung anuman ang naiwan sa iyo ng iyong asawa ay para sa anak mo at kayong dalawa aymagsisimula sa wala.

Kung hindi siya tutol sa arrangement na ito, wagas nga ang feeling niya sa iyo. Bukod sa feelings ay siguraduhin mong wala siyang sabit.

 DR. LOVE

vuukle comment

BUKOD

DEAR DIANE

DR. LOVE

GUMAGALANG

KUNG

PAGPAYUHAN

PERO

SABIHIN

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with