^

Dr. Love

Confessed gay ang utol

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Ri­chard, 24 years old, panganay sa tatlong magkakapatid na lalaki. Ang problema ko po ay ang kapatid kong si Del na 15 anyos. Nagtapat siya sa mga magulang namin na isa siyang gay.

Sabi ni daddy na maaaring napagkakamalan lang ni Del ang sarili niya na gay, dahil puro gay ang nakakasama niya. Dapat mabago anya ang barkada ng kapatid ko, sabi ni mommy. Kaya ipinakiusap nila sa akin na isama ko lagi ang kapatid kong ‘to sa mga lakad ko.

Pero hindi ang mga babaeng ipinakikilala ko sa kanya ang naa-appreciate niya kundi ang mga kapatid ng mga ito na lalaki. Ma­rami rin ang natutuwa sa kanya dahil hindi nauubusan ng kwento, lalo na ang tungkol sa mga artista.

Sabi pa ng mga girl friends na ipinakilala ko sa kanya, wala raw dull moment kapag kasama si Del dahil masaya siya. Ako nga­yon ang nagkaproblema dahil sa halip na mapalapit sa nililigawan ko ay inilalayo na siya ng parents niya pati ang kapatid niyang lalaki sa takot na makursunadahan ni Del.

Suko na ako, Dr. Love. Pero hindi ang mga parents ko. Kailangan lang daw ay ma-realize ni Del na lalaki siya. Ano po ang mabuting gawin?

Gumagalang,

Richard        

Dear Richard,

Isang malinaw na factor sa pagkakaroon ng homosexual preferences ng isang tao ay ang pagka-expose sa environment na meron nito. Kung oobserbahan wala tala­gang specific na paraan, seminar o kahit ano pa na pwedeng makapagpapabago sa mga ganitong kaso.

Pero sa maraming pagkakataon, may mga dating may homosexual preferences na nagbago matapos makakilala at tumanggap kay Hesus bilang Panginoon ang namumuhay na sa natural at tunay na kasariang itinakda sa kanila ng Maykapal.

Ito ang maipapayo ko, sikapin ninyong mai-expose ang kapatid ninyo Salita ng Dios  dahil tanging Siya lang ang nakapagpapa­bago sa puso ng sino man sa Kanyang mga nilikha. 

DR. LOVE

ANO

DAPAT

DEAR RICHARD

DIOS

DR. LOVE

PERO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with