^

Dr. Love

In-love sa kapitbahay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bagong lipat po ako sa isang subdivision sa Quezon City matapos ibenta ang aming town house ng aking nasirang asawa sa Cavite. Nagpasya akong umalis sa dati kong bahay para matulungan ang sariling makapag-move on.

Limang taon pa lang ang pagsasama namin ni Liza nang magkasakit siya ng Leukemia, hindi kami nagkaroon ng anak.

At sa bagong kapaligiran ko ngayon, may kapitbahay na nakatawag sa aking pansin. Tuwing umaga, naglalaro ng kanyang bola ang batang lalaki. Pinupulot ko ang bola kapag nalalayo sa kanya, natutuwa ako sa batang ‘yun.

Pero hindi ko akalain na mas aagaw ng pansin ko ang kanyang mommy, na laging humihingi ng pasensiya. Mabait si Minerva, may malamlam na mata at may maputi at mahabang legs. Attracted agad ako sa babaeng ito kahit sa pagkakaalam ko’y mayroon siyang asawa at anak.

Nagkakilala kami ni Minerva at mula noon ay palagi ko na siyang kausap sa bakod at kalaro ng anak niyang si Victor. Nalaman kong hiwalay siya sa asawa. Pero sustentado naman ang bata.

Mas matanda sa akin si Minerva ng 5 taon pero hindi naman halata dahil bata siyang tingnan kaysa akin sa edad na 29 taong gulang. Minsan ko na silang niyayang mag-ina na mamasyal sa kalapit naming mall.

Nagtapat na ako ng pag-ibig kay Minerva, Dr. Love pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako sinasagot. Dahil hindi pa raw siya handang ma-in love. Sinabi kong handa akong maghintay.

Ang problema ko, nagseselos ako kapag may naghahatid sa kanya na ibang lalaki na hindi ko kilala. Ano po ang dapat kong gawin para mapadali ang pag-oo niya? Dama ko naman na kursunada niya rin ako. May dapat ba akong gawin para manumbalik ang tiwala niya sa lalaki? Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Joe in Limbo

Dear Joe in Limbo,

Huwag kang tumigil sa panunuyo sa kanya. Padalhan mo siya ng bulaklak o kahit anumang bagay na magpapangiti sa kanya. Tungkol sa selos, wala ka pa sa lugar. Makakabawas sa puntos mo ‘yan kung hindi mo kokontrolin, ikaw din. Sa anumang paraan, huwag kang mapagod na ipakita at ipadama sa kanya ang sinseridad ng iyong pag-ibig.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

ANO

CAVITE

DAHIL

DEAR JOE

DR. LOVE

GUMAGALANG

PERO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with