Attracted sa magmamadre

Dear Dr. Love,

Nagkamali ako ng akala na mapapa­sagot ko agad si Elena na nangangarap magmadre. Dahil sa huli, ako pala ang madali niyang mapapaamo.

Sa facebook kami nagkakilala, kaibi­gan po siya ng kapatid kong babae. Attrac­ted ako sa kanya kaya naging sob­rang interesado. Una ay naging kumpiyansa ako na madali ko siyang mapapasagot.

Dumating ang oras na nagtsa-chat na kami. Minsan ay tinanong ko siya tungkol sa love dahil gusto kong malaman ang saloobin niya tungkol dito. Sa pagkakataon na ito niya ipinamukha sa akin na gusto niyang magmadre. Natameme po ako.

Nalaman ko na heart-broken si Elena sa mga una niyang naging boyfriend at ang pakikipagrelasyon sa mga iyon ay nag-iwan sa kanya ng malaking takot. Pero hindi ako sumuko.

Natutuwa na po ako dahil nagde-date na kami. Pero habang tumatagal ay bigla na lang siyang nagsasabi na gaya rin ako ng mga naging boyfriend niya. Naguguluhan na po ako kaya naglay-low muna ako. Gusto ko rin malaman kung mami-miss niya ako. Pero ako ang sumuko.

Salamat na lang sa kapatid ko na siyang namagitan para magkaroon ulit kami ng komunikasyon. Tuluyan nang pinawi ng pagmamahal ko ang pangarap niyang maging madre, ikinasal na po kami.

Maraming salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa love story ko. God bless.

Gumagalang,

Robert

Dear Robert,

Tuwang-tuwa ka siguro sa iyong kapatid, na nagmistulang kupido para sa inyong mag-asawa. Pero ang talagang kumilos sa pagitan ninyo na noo’y nililigawan mo pa lang na misis ay ang katapatan ng pagmamahal mo sa kanya. Love conquers all, ika nga.

Well, i-enjoy n’yo ang bawat sandali bilang bagong couple at nawa ay huwag ninyong kalimutan na laging gawing sentro ng inyong pagsasama ang ating Maykapal. Dahil siya ang pinakamatibay na proteksiyong gagabay sa inyo hanggang sa huli.

God bless you!

Dr. Love

Show comments