Dear Dr. Love,
Hindi ko po maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay tumatanggi pa rin ang aking special friend sa facebook para kami ay magkita ng personal.
Wala naman akong nakikitang kapintasan ni Charles sa mga posted photos niya. Kahit pa sa facetime o skype. Pero kasi po, ilang ulit na kaÂming nag-set ng date, ilang beses na ring nauudlot. Dahil hindi niya ako sinisipot. Wala naman siyang masabing dahilan kung bakit.
Alam n’yo po kasi, Dr. Love intresado talaga ako sa kanya. Sa katunayan, pinag-iisipan ko na kung dapat nang tigilan ko ang pakikipag-communicate sa kanya dahil feeling ko ay nahuhulog na po ang loob ko sa kanya.
Hindi ko rin po maipaliwanag kung bakit nagkaganon. Basta may kakaibang sigla ang kalooban ko kapag tungkol sa kanya. Nga lang iniiwasan na niya ang tungkol sa usapang “personal†o magkita kami ng personal. Kaya pinipilit ko na rin po na huwag mag-open ng kahit anong topic na mababanggit ang word na ‘yun.
May pakiramdam po ako na siya ang prince charming ko. Sa palagay n’yo po ba tama ang naiisip kong putulin na ang pakikipag-ugnayan sa kanya? Pagpayuhan po ninyo ako.
Maraming salamat.
Gumagalang,
Portia
Dear Portia,
Palagay ko, nasa edad ka na karaniwan ang magka-crush. Mas ok na i-enjoy mo ang stage na ‘yan pero please don’t take it seriously. Since sobrang intresado ka kay Charles, malamang na hindi mo basta magagawa na putulin ang communication ninyong dalawa.
Ito kasi ang nagsisilbing bridge para sa iyo na maging up dated tungkol sa kanya, lalo na’t ayaw niyang makipag-meet in person. So let it be. Sa totoo lang, sa panahon ngayon hindi maganda na basta magtiwala sa taong sa social media mo lang nakilala. That’s for your safety.
Ang mabuti pa ay don’t focus much to Charles, make friend to others. Ikaw rin, baka isipin niyang dead na dead ka sa kanya at magmukha kang cheap. Hayaan mo lang ang feelings na ‘yan dahil lilipas rin ‘yan. As you get mature, marami ka pang makikilalang guys and from there, kapag nasa tamang edad ka na ay matatagpuan mo talaga ang tunay mong prince charming. Aral muna, ha?
DR. LOVE