Sinandalan noon, nilalayuan ngayon
Dear Dr. Love,
Itago mo na lang ako sa pangalang Grace, na ang kahulugan ay pagpapala. Dati kasing masagana ang buhay na para bang bumubuhos ang pagpapala. Nakakatulong ako sa maraming kamag-anak sa pagpapaaral ng kanilang mga anak, sa pagpapatayo ng negosyo at marami pang iba.
Bagaman hindi naman ako naghihintay ng kapalit, hindi ko lang po maiwasang maghinanakit dahil ngayon na dumaranas ako ng miÂserableng buhay iniiwasan nila ako. Takot silang magpautang dahil sa pangambang hindi ko sila mabayaran.
Dr. Love, hindi naman po ako nagkukulang sa pagsisimba at pagdarasal pero hindi ako makakawala sa problema. Ang mga anak ko ay hindi na nakausad sa kanilang buhay. Halos maglabas-pasok sa rehabilitation dahil sa pagkalulon sa bawal na gamot. Ang iba naman ay nakuntento na lang sa pag-asa para sa sariling pangangailangan at pamilya nila sa akin. Kaya hindi makatagal sa trabaho.
Lahat sila ay pinag-aral ko sa exclusive school pero walang nangyari dahil mistulang patapon ang buhay ng aking mga anak.
Tanging ang pensiyon na lang sa SSS at GSIS ang inaasahan ko pero hindi ito sapat para matugunan ang mga bayarin sa bahay gaya ng ilaw, tubig, telepono at pagkain naming lahat. Sa akin po nakatira ang lahat ng aking anak pati ang kanilang pamilya.
Parang hindi ko na po matagalan ang ganitong buhay pero kapag naiisip ko na kung tuluyan na akong igupo ng sakit, paano na ang aking mga anak? Tulungan mo po ako kung ano ang nararapat kong gawin para ganap na magbago ang aking mga anak. At kung paano ako makapagsisimula muli para makabangon sa kasaÂlukuyang kalagayan ng buhay.
Gumagalang.
Grace
Dear Grace,
Marahil naging masyado kang malambot sa iyong mga anak kaya namihasa sila at hindi nag-abala pang magsikap para sa kani-kanilang buhay. Hindi magiging madali na baguhin nila ang matagal nang nakasanayan. Maliban na lang kung matututo kang tikisin sila at hayaang kumilos para tugunin ang kalam ng kanilang sikmura.
DR. LOVE
- Latest