Dear Dr. Love,
My warm greetings to you and your legions of readers.
Sa loob ng 30 taon ng aking buhay ay ito na marahil ang problema ko sa pag-ibig ang pinakamasakit at mabigat.
Tawagin mo na lang akong Cielo, may asawa at dalawang anak. Isang seaman ang aking mister na minsan lang sa isang taon kung umuwi at pagkatapos ng dalawang buwan ay agad bumabalik sa barko. Mahal ko ang aking asawa pero hindi ko akalaing magkakasala ako sa kanya.
Biktima ako ng rape. Habang ang mga anak ko ay nasa paaralan, kami lang daÂlawa ng aming family driver ang naiiwan sa bahay. Guwapo at attractive ang driver namin.
Kahit nagaguwapuhan ako sa kanya, hindi ko akalaing bibigay ako sa ginawa niyang mga advances sa akin. Ni-rape niya ako. Sa una ay nagpumiglas ako pero bumigay ako. Marahil dahil na rin sa panguÂngulila ko sa asawa.
Hindi na ako nagreklamo dahil kahit nagsimula ito bilang rape ay bumigay ako sa dakong huli at kusang ipinaubaya ko ang aking sarili.
Matapos ito, binalaan ko siya na huwag na niyang ulitin ito. Dalawang buwan na ang nakalilipas simula noon at madalas ay nakikita ko ang mga pahiwatig sa mga mata niya na ibig niyang maulit ang naganap sa amin.
Iniisip kong palayasin na siya dahil nakadarama rin ako ng kakaiba sa aking sarili.
Cielo
Dear Cielo,
‘Yun ang dapat mong gawin. Sisantihin mo na siya dahil baka maulit iyan at tuluÂyan kang madarang. Kung ako sa iyo, noon pa mang una ay nagdemanda na ako. Madali namang ikatuwiran sa reklamo mo na tinakot ka niya kaya ibinigay mo ang iyong sarili.
Tama ka. Paalisin mo na ang driver na iyan at iyan ang tuluyang magwawasak sa iyong pamilya.
Dr. Love