Nae-excite pa rin sa ex
Dear Dr. Love,
Engaged na po ako at next year ay nakaÂtakda nang ikasal, pero ang hindi ko po maÂintindihan sa sarili… hindi ko pa rin makalimutan ang ex-boyfriend ko, hindi rin po ako makapagpasya kung dapat ko na bang putulin ang komunikasyon ko sa kanya kahit pa ito ay bilang kaibigan lang.
High school lover kaming matatawag. School valedictorian ako at first honorable mention naman si Richard nang magtapos kami. Siya ang presidente ng aming klase at sikat siyang basketball player. Ang kantsaw noon sa akin, nadadala lang ako ng kasikatan ni Richard kaya naging kami.
Kahit matagal na kaming hindi nagkikita, simula nang maka-graduate dahil nangibang bayan ang kanyang pamilya at doon na siya nag-aral. Hindi pa rin nawawala ang closeness namin nang magkita kami sa reunion.
Tumatawag at nagte-text ng madalas si Richard at aminado akong pinanabikan ko ang mga ito. Kahit pa kwentuhan lang na walang kapararakan ang nangyayari.
Dr. Love, dapat ko na bang putulin ang pakikipag-ugnayan kay Richard? May ka-live in po siya pero wala silang anak.
Gumagalang,
Charmain
Dear Charmain,
Reading between the lines, may natitira ka pa ring pagtatangi sa iyong ex-boyfriend. Kinukumpirma ito ng pagkakaroon mo ng excitement sa mga tawag at text niya. Pareho n’yong alam na may kani-kaniya na kayong commitment, may ka-live in siya at ikaw naman ay engaged na. Kapwa kayo nagiging unfair sa inyong partner.
Kung ang kalooban mo ay hindi pa talaga naka-fix sa taong ka-engaged mo, may chance ka pa na magbago ng desisyon hangÂga’t hindi ka pa naikakasal. Kadasalan, hindi nagwo-workout ang pagpapakasal kung may ibang laman ang puso. May panahon ka pa para mag-isip.
Pero kung nakakatiyak ka sa iyong nakaÂtakdang pagpapakasal, kahit pa may presensiya ng iyong ex-boyfriend. PinakamabuÂting putulin mo ang anumang ugnayan mo sa kanya. Dahil engaged ka palang ay nagkakasala ka na sa iyong fiancée.
DR. LOVE
- Latest