^

Dr. Love

Mailap ang kapalaran

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malugod akong bumabati sa inyo at sa lahat ng tagasubaybay ng Dr. Love.

Ako po si Argee, 25-anyos at huwag mo nang sabihin ang buo kong pangalan. Sa tingin ko, dahil mababa lang ang natapos ko ay mailap ang dating ng magandang kapalaran sa akin.

Isa lamang po akong buko vendor dahil wala naman akong espesyal na kakayahan at mababa lang ang natapos ko. Magbalat lang at magbiyak ng buko ang alam ko dahil ito’y minana ko pa sa aking yumaong tatay. Nakaabot lang ako ng first years sa high school na hindi ko pa natapos dahil sa kahirapan. Hindi rin ako guwapo kaya minsan lang ako nagka-girlfriend at hindi na nasundan nang mag-break kami.

Halos kulang pa sa pang-araw-araw na pangangailangan ng aking pamilya ang kinikita ko.

Gusto ko talagang makapagtapos pero wala na akong panahon dahil kailangang trabaho ang atupagin. May sakit at mahina na ang nanay ko at may kapatid pa akong may polio. Hindi rin ako makapag-asawa dahil ayokong magutom ang sarili kong pamilya.

May pag-asa pa ba ang buhay ko?

Argee

 

Dear Argee,

Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Iyan ay isang kasabihan na totoo sa maraming tao. Marami akong kakilalang no read, no write pero umasenso sa pagnenegosyo. Kasi mayroon silang pagnanasa at determinasyong umasenso.

Kung ipagmumukmok mo lang ang kala­gayan mo imbes na mag-isip ng paraan  para mahango ka sa hirap, wala ka talagang ma­a­abot.

Maraming short-term courses diyan na puwede mong pasukan at ‘yung ibang ina­alok ng gobyerno ay libre pa. Ni hindi mo ka­ilangang mag-full time sa pag-aaral at pu­wede mong i-schedule ang oras sa pag-aaral at trabaho.

Sa gulang mong 25, ilang taon na lang at talagang alangan na para sa iyo ang mag-aral kaya habang medyo bata ka pa ay gawin mo na.

Dr. Love

AKONG

ARGEE

DAHIL

DEAR ARGEE

DR. LOVE

ISA

IYAN

KASI

LANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with