^

Dr. Love

Nakabuntis si Daddy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itinuturing na huwaran ang pagsasama bilang mag-asawa nina mommy at daddy. Dalawa kaming­ naging bunga ng kanilang pagmamahalan na kapwa­ babae.

Si Daddy, nagkatrabaho sa abroad bilang inhenyero, si Mommy, naging isang regional di­rector ng ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa edukasyon. Kapwa nasa kolehiyo na kami ng ate ko nang magkaroon ng problema ang mommy at daddy ko.

May isang linggo pa lang nakapagbabakasyon ang daddy mula sa Saudi at narinig ko sila ng mommy ko na nag-aaway. Babae ang dahilan. May babaeng nabuntis si daddy. Isang nurse na kasama niyang umuwi.

Narinig ko, pinamili siya ng mommy ko. Kami o ang babaeng iyon. Hindi na ako nagtaka nang kinabukasan, hindi ko na nagisnan si daddy. Sumama na siya sa babae niya.

Kalmado lang si mommy. Sinabi niya sa amin ng ate ko ang desisyon ni daddy. Sa mas bata siya at sa bagong baby. Lumipas ang limang taon. Kung saan kami iniwan ni daddy, doon niya kami binalikan. Humingi siya ng tawad sa aming tatlo na inabandona niyang pamilya. Inamin niya, nagkamali siya. Naghanap ng mas bata at ibang eksperiyensiya.

Ang kondisyon ni mommy, makakabalik siya kung puputulin niya ang relasyon sa kabit niya. Nalaman namin na namatay ang bata nang ipa­nganak ito ng babaeng iyon. Bumalik ang kerida ni daddy sa abroad para muling magtrabaho.

Si daddy ko, umayaw nang mangibang bansa. Pera lang pala ang habol ng babae sa daddy ko. Nang wala na ang malaking kita, umayaw na rin sa kanya si Melissa.

Matagal na ang pangyayaring ito Dr. Love. Muling­ nabuhay ang pagmamahalan ng aming mga magulang at natapos ang maitim na kabanatang iyon sa aming buhay nang walang nakaalam sa aming mga kamag-anak.

Binigyang pagkakataon ng mommy ko ang aming­ ama na makapagsisi at makabangon sa kinarapaan niyang pagkakasala. Tama lang po ba ang ginawang ito ng mommy ko?

Maraming salamat at mabuhay kayo.

Gumagalang,

Nicole

Dear Nicole,

Para sa akin tama ang naging desisyon ng iyong mommy. At isang pambihirang pagmamahal lamang ng kabiyak sa kanyang lifetime partner ang makakagawa ng ganon. Dahil maituturin na isa sa pinakamabigat na sama ng loob sa isang mag-asawa ang pagtaksilan sila o balewalain ang kanilang pagsasama dahil sa third party.

Sa panahon ngayon, bihira lang ang pamilya na nagagawang malampasan ang mapait na bahagi ng pagsasama nang hindi naiiskandalo ang buong angkan. Saludo ako sa iyong mommy at dalangin ko na nawa’y magtuluy-tuloy na ang kaligayahan sa inyong pamilya. God bless you!

DR. LOVE    

 

BINIGYANG

BUMALIK

DADDY

DEAR NICOLE

DR. LOV

DR. LOVE

MOMMY

NANG

SI DADDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with