Dear Dr. Love,
Hindi ko po akalain na ang pagsasakripisyo ko sa pagtatrabaho bilang maid sa ibang bansa ay susuklian ng katarantaduhan ng aking asawa. Pinaikot po ako ni Pedring at pinaniwalang nakapagbukas na siya ng talyer, ‘yun pala ang inumpisahan niya ay ang kanyang kerida.
Si Pedring po ang unang pursigido na makaalis ako, para raw magkaroon kami ng kapital sa paÂngarap niyang talyer. Pero kung hindi pa sa pagmamalasakit ng aking ina ay hindi ko malalaman na pinapaÂikot na niya ako sa kanyang palad.
Sinabi niyang nakapagbukas na siya ng talyer at matumal ang kita dahil bago pa lang. Pero wala naman palang talyer, sa halip abala ang aking asawa kay Bella at halos wala nang pakialam sa aming dalawang anak na nasa pangangalaga ng aking ina.
Hindi ko muna po ipinaalam kay Pedring na nakarating na sa akin ang kalokohan niya. Hindi na rin ako nagpapadala ng allowance niya at sinabing, ako na ang mag-iipon para sa malaking kapital. Kung ano na lang ang kita ng talyer, ‘yun lang muna ang gamitin niya sa arawang gastos. Nagsisigaw siya sa telepono at sinabi kung ano ang isinusumbong ng aking ina. Itinanggi kong may sinabi sa akin si nanay.
Biglaan din ang ipinasya kong uwi para magkaalaman na. Putlang-putla si Pedring nang mahuli ko siya sa aktong nakikipaglambutsingan kay Bella. Agad ko siyang pinagbalot dahil wala akong balak na maging palabigasan nila.
Nang tumanggi siyang makipaghiwalay ay nagsampa ako ng bigamya, saka dinala ang aking mga anak at ina sa aming probinsiya para maiwasang mapagbalingan ni Pedring kapag bumalik na ako sa abroad.
Nabalitaan ko rin na gumagamit at nagtutulak na rin ng droga si Pedring. Sa palagay n’yo po Dr. Love, may dapat pa akong pangambahan para sa kaligtasan ng aking inay at mga anak?
Gumagalang,
Nerissa
Dear Nerissa,
Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil hindi maganda ang masyadong pag-aalala. Basta gawin lang ninyo ang karampatang pag-iingat. Hindi naÂganon ka mahal ngayon ang arawang kamustahan sa pamilya thru internet kapag nasa abroad, makakatulong ito para mapanatag ka. Kung may aberya, huwag kayong mag-atubiling hingin ang tulong ng pulisya. Higit sa lahat ugaliin ninyo ang pagdarasal lagi. Dahil ang hindi natin kontrolado ay nananatiling kontrolado ng Dios.
DR. LOVE