^

Dr. Love

Pangarap ng madrasta

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumipas na ang Mother’s Day pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na magagawa na akong batiin ng tatlong anak ng aking asawa dahil nananatili pa naman ang Mother’s Month.

Pangalawang asawa po ako ni Dario, namatay ang una niyang asawa sa panga­nganak sa kanilang bunso. Teenager na noon ang panganay na si Maridel, may isip na rin si Julie ang sumunod at sa kasamaang palad nang iluwal ang bunso ay hindi nakaligtas ang kanilang ina na si Alicia.

Sa tuwing dumarating ang buwan ng Mayo, hindi ko po maiwasan na masaktan dahil mula nang maging mag-asawa kami ni Dario ay nagsisikap po ako na maging isang mabuting ina sa kanyang mga anak. Bagaman nakuha ko na po ang kanilang respeto at pagtitiwala, hindi pa rin nila ako magawang batiin tuwing okasyon na para sa ina.

Para sa akin na hindi pinalad na magkaroon ng sariling anak kay Dario, isang mataas na pangarap na pilit kong inaabot ang pagdating ng araw na babatiin nila ako ng Happy Mother’s Day.

Imposible po ba ito? Hintay ko po ang inyong payo.

Gumagalang,

Marinela                  

Dear Marinela,

Walang imposible kung laging may pusong tapat na handang magmahal. Ang pagkuha mo ng respeto at tiwala ng mga anak ng asawa mo ay magandang simula na sa pagtatanim mo ng pagmamahal sa mga bata.

Magpatuloy ka lang sa iyong pagsisikap na maging isang mabuting ina para sa kanila. Marahil sa ngayon ay hindi pa rin handa ang mga bata na iisantabi sa kanilang isip ang imahe ng kanilang nasi­rang ina. Bigyan mo pa sila ng sapat na panahon para ma-overcome ang maagang pagkawalay sa kanilang tunay na ina.

Wala ka naman dapat ipag-alala dahil sa tamang panahon, natitiyak kong aanihin mo rin ang pagmamahal na itinatanim mo sa iyong mga step children.

DR. LOVE

ALICIA

BAGAMAN

BIGYAN

DARIO

DEAR MARINELA

DR. LOVE

GUMAGALANG

HAPPY MOTHER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with