^

Dr. Love

Sumakabilang-bahay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cely, single parent sa dalawa kong anak na tatlo at apat na taong gulang.

Isang taon na akong mag-isang nagtataguyod sa aking pamilya dahil sumakabilang-bahay ang aking mister.

Isang ordinaryong kawani sa pabrika ang aking asawa at nagkaroon siya roon ng kalaguyo at sila’y nagsama.

Wala akong makitang diprensya sa sarili ko. Pala-ayos at malinis ako sa katawan. Ma­aruga rin ako sa aking asawa at mga anak.

Labis kong ipinagtataka ang ginawang pag-iwan sa akin ng mister ko.

Napilitan akong mamasukan bilang mananahi sa isang garment factory dahil dati ko namang gawain ito. Maraming umaaligid sa akin pati na ang aking boss. Ayaw kong matukso pero nahihirapan na akong magtaguyod ng nag-iisa. Ano ang gagawin ko, Dr. Love?

Cely

Dear Cely,

Maging matatag ka sa ganyang pagsubok. Kung wala kang makitang dahilan at iniwan ka ng asawa mo, marahil ay natukso lang siya talagang pagtaksilan ka.

Habang nakakaya mong magtaguyod sa dalawa mong anak ng nag-iisa, huwag mong hayaang matukso kang makipagrelasyon sa ibang lalaki dahil batid kong lalo lamang lalala ang kalagayan mo.

Humingi ka ng sustento sa asawa mo dahil kahit sabihin niyang maliit ang kita niya, anak niya ang inaaruga mo.

Kung ayaw magbigay, humingi ka ng tulong sa private attorney na nagsisilbi sa mga mahihirap ng walang bayad.

Dr. Love

ANO

AYAW

CELY

DEAR CELY

DR. LOVE

HABANG

HUMINGI

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with