^

Dr. Love

True love

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na pauunlakan mong mailathala ang aking sulat. Tawagin mo na lang akong Brenda, 23-anyos at nakatakdang ikasal sa susunod na buwan.

Sinagot ko ang aking kasintahan hindi dahil mahal ko siya kundi labis akong nangulila sa aking first love na matagal na nawala dahil nag-abroad.

Tatlong taon siyang nasa Amerika at wala kaming komunikasyon. Sinikap ko siyang makaugnay kahit man lang sa facebook pero hindi ko mahanap.

Hindi ko kakilala ang kanyang pamilya dahil ni-minsan ay hindi niya ako ipinakilala sa kanyang mga magulang at kapatid. Pero siya ang una kong pag-ibig at matatawag kong true love.

Ngayong malapit na ang kasal ko ay bigla na lang siyang lumitaw. Hindi ko alam ang aking gagawin. Puwede bang umurong ako sa kasal?

Brenda

Dear Brenda,

Mag-isip kang mabuti. Bakit ka umibig sa lalaking ni-minsan ay hindi ka ipinakilala sa kanyang magulang?

Kung mahal ka niya, bakit hindi siya nakipag-ugnay sa iyo habang nasa Amerika siya? Kalimutan mo siya dahil luluha ka lang sa ganyang lalaki.

Ang nakatakda mong kasal ay isa nang commitment at makasasakit ka ng damdamin kapag iniurong mo pa iyan.

Mag-isip-isip ka.

Dr. Love

AMERIKA

BAKIT

BRENDA

DEAR BRENDA

DR. LOVE

KALIMUTAN

NGAYONG

PERO

PUWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with