Dear Dr. Love,
Hanggang ngayon ay humahanap pa rin ang isip ko ng paraan kung paano ko makukumbinsi ang aking asawa na huwag nang tanggapin ang alok na trabaho ng kanyang kumpare sa ibang bansa.
Kapapanganak ko pa lang nang matanggap ni Dennis ang sulat galing kay Brose, na nagsasabing matatanggap agad ang asawa ko sa Africa dahil in-demand ang Geodetic Engineer doon. Malaking advantage din daw ang pagkakaroon ng mahabang karanasan sa trabaho ni Dennis.
Madaling nahikayat ang asawa ko ng kanyang kumpare dahil sa pangingibang bansa ni Brose ay talaga naman naging stable siya at ang kanyang pamilya. Sinabi rin ni Brose na mabubulok ka nang kakatrabaho dyan sa Pinas pero hindi aangat ang buhay mo. Dahil mababa ang pasahod.
Ayaw ko po lumayo ang asawa ko, pwede naman akong maghanap-buhay at magtuluÂngan kami para gumaan ang kabuhayan naming nang hindi kailangan mangibang-bansa siya. Tutol rin ang biyenan ko, ina ni Dennis dahil sa pangambang magaya siya sa kanyang ama. Natukso, nagpakasal sa Amerikana at nagkaanak. Nananagana nga ang kabuhayan nila pero lumaking walang ama ang asawa ko.
Pagpayuhan po ninyo ako kung paano ko mapagbabago ang isipan ng aking asawa, nag-fill up na po siya ng application na ipinadala ni Brose.
Maraming salamat po at more power.
Gumagalang,
Sonia
Dear Sonia,
Sikapin mo na makahanap ng magandang pagkakataon para makausap ng masinsinan ang asawa mo. Minsan pa ay subukan mong sabihin sa kanya ang mga option ninyo para mapagaan ang kabuhayan nang hindi maisasakripisyo ang oras para sa bawat isa, lalo na sa inyong munting sanggol na parehong naÂngangailangan ng magulang habang lumalaki.
Samahan mo rin ng dasal ang timing ng inyong pag-uusap na mag-asawa para pareho ninÂyong makuha ang gabay ng Maykapal para sa inyong pamilya.
DR. LOVE