^

Dr. Love

Huwag pigilin ang pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Idinadalangin ko na datnan ka ng aking­ sulat na malusog at malayo sa kapahamakan.

Ikubli mo na lang ang tunay kong pagkatao at tawaging Laarni,  30-anyos na ako at naipasya kong tumandang dalaga na lang dahil sa  tatlong kasa­wiang dinanas ko.

Tatlong ulit akong pinagtaksilan ng mga naging kasintahan ko at iyan ang dahilan kung bakit naisumpa ko na ang pag-ibig.

Pero talagang nanunubok ang tadhana. Dumating sa buhay ko si Andy at sa unang pagkakita ko pa lamang ay tumibok muli ang puso ko. Hindi siya kaguwapuhan pero alam kong maginoo siya at disenteng tao. Hindi kasi ako mahilig sa guwapo dahil ang tinitingnan ko ay ugali.

Lalu akong na-excite nang magtapat siya ng pag-ibig sa akin.

Hindi ko pa siya sinasagot sa nakalipas na dalawang buwang panunuyo niya sa akin. Pagpayuhan mo nga ako Dr. Love kung dapat ko pang bigyan ng puwang ang pag-ibig sa puso ko.

Laarni

Dear Laarni,

Oo naman. Hindi dapat tumigil ang pag-ikot ng daigdig dahil lamang sa tatlong kabiguan. Alam mo ba ‘yung lumang kasabihang “it’s better to have loved and lost than never to have loved at all”?

Huwag mong sikilin ang damdamin mo. Pero kaibiganin mo munang mabuti ang manliligaw mo at kilalanin ang pagkatao para hindi na maulit ang mga naranasan mong kabiguan.

Dr. Love

ALAM

ANDY

DEAR LAARNI

DR. LOVE

DUMATING

HUWAG

IDINADALANGIN

LAARNI

PERO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with