Dear Dr. Love,
Salamat sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maitampok ang aking liham. IpiÂnauuna ko po ang pangungumusta at sana’y nasa mabuti kayong kalusugan sa pagtanggap ng liham ko.
Huwag n’yo na lang sabihin ang tunay kong pangalan at ikubli na lang sa pangaÂlang Lida, 35-anyos na po ako at hiniwaÂlayan ng aking mister na sumama sa ibang babae. May tatlong taon nang nangyari yaon at naiwan sa aking pag-aaruga ang dalawa naming anak.
Aaminin ko na nahihirapan ako sa kalagayan ko ngayon. Nasa poder ng aking ina ang aking mga anak dahil nagtatrabaho ako bilang teller sa bangko.
Maliit lang naman ang kita ko kaya ang ina ko ang halos nagtataguyod sa aking mga anak. May nanliligaw sa akin ngayon. Mayaman. Alam n’ya ang aking kalagayan.
Sabi niya kung papayag ako, hahanguin niya ako sa hirap at papag-aralin ang aking mga anak.
Katulad ko, hiwalay din siya sa asawa. Naisip ko na marami naman ang nagsasama nang walang kasal. Ano ang dapat kong gawin?
Lida
Dear Lida,
Kauna-unawa ang kalagayan mo pero sa isyu ng moralidad, maling makisama sa labas ng kasal lalo pa’t pareho kayong may-asawa.
Marahil, puwedeng plantsahin ang inyong situwasyon sa pamamagitan ng pagpapa-annul sa inyong kasal.
Tutal sabi mo’y mayaman ang manliligaw mo. Iyan lamang ang legal remedy na maipaÂpayo kong gawin mo bagaman at sa mata ng Diyos ay maaaring mali pa rin ang magiÂging relasyon ninyo.
Puwede ka ring dumulog sa kaso upang humingi ng suporta sa iyong asawa para sa inyong mga anak para hindi naman sila maging pabigat sa iyong ina na tiyak kong may edad na. Ang ginawa niyang pagsama sa ibang babae ay isa ring krimen at puwede mo siyang ihabla ng abandonment at concubinage o pakikiapid.
DR. LOVE