Dear Dr. Love,
Halos umaalingawngaw pa sa aking pandinig sa sinabi sa akin ng panganay ni Jeffrey sa una niyang asawa.
Nangyari iyon nang muling mag-imbita si Lucila para naman sa kanyang graduation party kung saan dadalo ang kanyang mapapangasawa. Hindi ko alam na una na silang nagkausap ng kanyang ama at pumayag na ito, ang iaabiso na lang ay kung saan gaganapin. Kaya sinabi kong may appointment ang daddy niya.
Dama ko na punung-puno ng hinanakit nang sabihin sa akin ni Lucila, “sampung taon mo na kaming inagawan ng ama. Wala kang narinig na alma mula sa aming mga anak niya pati na kay mommy. Sa pagkakataong ito na dadalo rin ang mga magulang ng lalaking pakakasalan ko, bakit ka nagdadamot? Mga sibilisado kaÂming tao na tunay niyang pamilya at hindi namin aangkinin ang aming ama kung ayaw niya.â€
“Inalinta mo ba ang kahihiyan namin noong panahong hibang na hibang pa sa iyo si daddy? Ang iniintindi mo lang ang iyong sarili. Puwede mo pang maiwasto ang iyong kamalian sa pagpatol sa isang lalaki na may asawa. Sinamantala mo ang panahong nasa ibang bansa ang mommy ko para magtrabaho.â€
Napahagulgol ako sa sakit, Dr. Love. ‘Yun lang at pumayag na akong dumalo si Jeffrey. Sa mga panahong ito, nagsunud-sunod din ang pagtaÂtalo namin dahil nagseselos ako, na nauwi sa pag-aalsa balutan niya at tuluyang paglayo ko.
Pinuntahan pa ako ni Jeffrey para magpasaÂlamat sa muling pagbabalik ng katahimikan at kaliÂgaÂyaÂhan ng kanilang pamilya at gusto niyang regaluhan ako, ang sabi ko lang, magpakatino na siya.
Dr. Love sana dumating din ang panahon na may lalaking maihaharap ko sa lahat at walang pamilyang iiyak.
Gumagalang,
Nilda
Dear Nilda,
Tunay na kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. Mapalad ka pa rin dahil ang sakit na idinulot mo sa pamilya ni Jeffrey ay dinala nila sa mahabang panahon, kumpara sa iyo na buhos sa maiksing sandali lang. Ipagpasalamat mo ng husto ang nangyari dahil nagkaroon ka ng pagkakataon na maitama ang lahat. Kasama mo ng pitak na ito sa panalangin na matagpuan mo rin ang tunay na pag-ibig, pagmamahal na walang pamilyang magdurusa.
DR.LOVE