Nanlalamig si Mister

Dear Dr. Love,

Malapit na ang Araw ng mga Puso at sana’y nasa mabuting kalagayan ang love life mo. Kung ako ang tatanungin, naguguluhan ako.

Tawagin mo na lang akong Lulu, 27- anyos­ at namomroblema sa asawa ko. Hindi na kasi siya tulad noong bagong kasal kami. Nawala na ang kanyang lambing at halos bibihira kaming makapag-usap nang matagal.

Kung hindi ko ipapaalala, nakakali­mutan niya ang aming wedding anniversary. Pitong taon na kami sa darating na Abril 7. Isa siyang chief mechanics sa isang kila­lang tindahan ng mga sasakyan.

Halos hindi na namin siya nakakasalo sa hapag kainan ng aming mga anak.

Sa ibang salita, malamig siya. Sabi ng ilang kaibigan ko, baka may kinahuhumalingan siyang iba. Ngunit wala akong dahilang maghinala dahil alam kong mula sa trabaho ay diretso sa bahay ang uwi niya.

Ayaw naman niyang mag-open sa akin, kung tatanungin ko. Lagi niyang sinasabi na okey lang siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Lulu

Dear lulu,

Maaaring siya ay pagod sa kanyang trabaho dahil ang pagiging chief mechanic ay tulad ng isang shock absorber.

Kapag may reklamo ang ilang bumili ng kotse, laging siya ang napuputukan. Marahil kailangan niyang magbakasyon para mapahinga ang kanyang isipan. Panahon na din ito para makapag-bonding kayong magkakapamilya.

Imungkahi mo ito sa kanya. I’m sure hindi naman siya pipigilan ng kanyang kom­panya dahil ang lahat ng manggagawa ay may karapatang magbakasyon.

Dr. Love

 

 

Show comments