In-love sa tibo
Dear Dr. Love,
Unang-una ay binabati kita ng advance Happy Valentines. Tawagin mo na lang po akong Rica, 19-anyos.
First time kong ma-in love pero kinakanÂtiyawan ako ng mga friends ko dahil umibig ako sa kapwa ko babae.
Tawagin mo na lang siyang Jojo, isa siyang tomboy.
Magdadalawang buwan na po kami pero walang namamagitan sa aming hindi maÂganda. Hanga lang ako sa kanyang talino. Kuntento na kami sa pagkain sa labas at paÂnonood ng mga concert. Isa siyang scholar sa aming paaralan.
Nabalitaan na rin ito ng mga magulang ko at mga kapatid at lahat sila ay tutol sa ganitong relasyon.
Bawal po ba talaga ang umibig sa kapareho ang kasarian? Mahal ko po si Jojo at parang hindi ko kayang mawala siya sa akin.
Rica
Dear Rica,
Ang palaging dulo ng pakikipagrelasyon ay magpakasal at bumuo ng pamilya. Papaano magpapakasal ang dalawang pareho ang kaÂsarian? Bawal sa batas iyan dahi wala pang gay marriage sa ating bansa. At isa ako sa nananalangin na huwag sanang magkaroon dahil malaking kasalanan iyan sa Diyos.
Kaya kahit ako ang magulang mo ay saÂsaÂwayin kita sa ginagawa mo. Huwag mo nang hintaying may mangyari pang mas malalim sa inyong relasyon.
Sa gulang mong 19 ay bata ka pa at maÂrami ka pang matututuhan sa buhay. Sana’y maÂmulat ka sa katotohanang sinasabi ko sa iyo.
Maaaring ang nadarama mo sa ngayon ay paghanga lamang sa talino ni Jojo at dumadalangin ako na nawa’y mabura sa puso mo ang pagtatangi mo sa kanya.
Dr. Love
- Latest