Dear Dr. Love,
Sobrang sakit nang diretsahang sinabi sa akin ng aking mister na hindi na siya maligaya sa pagsasama namin.
Sinabi niyang sa labing-limang taon na pagsasama namin sa iisang bubong ay mabibilang lang sa daliri kung ilang beses akong sumama sa kanya sa mga social gatherings na kailangan niyang puntahan bilang hepe sa kanilang opisina.
Hindi rin daw niya makita kung bakit hindi ako marunong magtiwala agad sa aking kapwa, hindi raw ako marunong maÂkisama at isang anti-social.
Dr. Love, isang malaking hadlang ba sa pagkakaroon ng magandang buhay may asawa kung ang isa ay sadyang hindi mahilig sa party?
Sabi ni Ruben, mahal niya ako kaya raw niya sinasabi ang nasa loob niya para magawan ko raw ng paraan at mabago ang hindi magandang pag-uugali ko. Hindi niya raw ito gustong mamana ng aming mga anak.
Hindi ko po maintindihan kung bakit sa ganoong paraan niya tinitingnan ang kawalan ko ng hilig sa sosyalan. Mahal ko po ang aking asawa at mahalaga sa akin ang isang buong pamilya.
Sa paanong paraan ko po maipapaÂunawa sa aking asawa na hindi ko gustong gawing miserable ang buhay niya sa aming pagsasama? Pagpayuhan po ninyo ako.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Flordeliza
Dear Flordeliza,
Ang matiwasay na buhay may asawa ay hindi lang nakasalalay sa iisang panig. Pero dahil hindi nage-gets ng asawa mo ang panig mo, sikapin mo na maintindihan siya. Subukan mo na pagbigyan siya sa kagustuhan na samahan siya sa mga social gatherings. Sa isang banda ay hindi naman ganoon kabigat ang request niya.
Anong malay mo, kung paraan lang niya ito para magkaroon kayo ng bonding na mag-asawa. Sa mga oras na magkasama kayo ay magkakaroon ka rin ng chance na masabi sa kanya ang iyong saloobin at eventually ay ma-realize niya ang side mo.
DR. LOVE