Walang Mr. Perfect

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo na paborito kong columnist. Tawagin mo na lang akong Lovely, 35 at matandang dalaga na ang tawag ng mga friends ko sa akin dahil single pa rin ako.

Masyado kasi akong pihikan sa boyfriend. Hindi sila nagtatagal kahit makakita lang ako ng kaunting depekto sa ugali o personal hygiene­ nila.

Meron ngayon akong boyfriend. Guwapo siya pero mahiyain masyado at hindi bibo.  Gusto ko sa lalaki kasi ay makuwento pero hindi mayabang.

Hindi ko alam kung pagtitiyagaan ko na ang depekto niya o hahanap ng iba. Pero sabi ng mga friends ko, baka maiwan na ako ng biyahe.

Please help me decide.

Lovely

Dear Lovely,

Ikaw lang ang makakapag-decide niyan. Basta may love ka sa lalaking iyan eh ‘di take him seriously na.

Mahirap ‘yung naghahabol ka ng perpekto at walang taong ganun. Lahat may kapintasan kahit  mukha pang artistahin.

Sa edad mo ngayon, palagay ko naman may wisdom ka na para kumilatis ng lalaking ma­giging ideal husband mo.

Dr. Love

Show comments