Dear Dr. Love,
Ako po ay isang dalagang ina, na malapit nang mag-40 anyos. Mayroon po ako ngayong kareÂlasyon na isang dual citizen na halos kasing edad ko rin, na nakaisip na magbalik sa bansa para maghanap ng mapapangasawang Pinay.
Ang pakilala niya sa akin, hiniwalayan siya ng isang Amerikana matapos maaksidente sa trabaho at magkaroon ng disability. Dahil walang trabaho, si Frank pa ang binayaran ng alimony ng dati niyang asawa.
Ang usapan namin, pakakasal kami pagkaraang mailagay sa ayos ang ilang problemang pinansiyal. Wala naman akong duda sa pagkatao ni Frank, matangi lang nitong mga huling buwan. Napapansin ko kasi na kahit matagal na ang aming relasyon ay malamig siya sa sex.
Kapag tinatanong ko naman kung bakit hindi lumalampas ang aming intimacy sa kissing at necking, hindi raw muna kami magkakaroon ng sex life. Bukod sa walang privacy ang aming inuupahan, sinabi ni Frank na hindi niya nae-enjoy ang sex sa kahit kanino mang babae kapag gumugulo sa isip niya.
Inakala ko tuloy na gay si Frank, pero tigas niyang itinanggi ito. Dr. Love dahil sa estado na ito ng aming intimacy ay nagkakaroon ako ng insecurities. Feeling ko, nakakuha na siya ng ibang pakakasalan o kaya’y wala talaga siyang planong pakasalan ako. Malabo rin ang kwento niya kung bakit siya hiniwalayan ng kanyang dating asawa.
Gusto rin si Frank ng aking pamilya, lalo na ng aking anak. Pero hindi po matahimik ang kalooban ko sa mga palaisipan tungkol sa aking karelasyon. Dapat ko bang i-push ang issue na ito sa kanya?
Gumagalang,
Anette
Dear Anette,
Kung magiging mahalaga para sa security ng feelings mo sa inyong relasyon ang tungkol sa mga gumugulo sa isip mo, naniniwala ako na dapat mong isettle ‘yan. Pero planuhin mo ng mabuti ang iyong magiging hakbang. Para hindi ma-offend ang feelings niya.
Makakatulong siguro kung may common friend kayo at unti-unti ay magtanung-tanong ka o magkakaroon ka ng quality time kasama siya…subukan mo ring i-open sa kanya ang mga worries mo at intensiyon na ma-secure ang feelings mo para sa inyong pagsasama.
At kung sakaling may matutuklasan ka man, mabuti nang habang maaga pa ay malaman mo na.
DR. LOVE