Paano bubuhayin ang puso?

Dear Dr. Love,

Umaasa akong ikaw ay nasa mabuting kalagayan sa pagtanggap ng sulat kong ito.

Tawagin mo na lang akong Robina, 28-anyos na malapit na sa boundary ng pagiging matandang dalaga.

Magmula nang mabigo ako sa pag-ibig  sampung taon na ang nakararaan ay isinumpa ko na ang mga lalaki.

Nagkaroon ako ng boyfriend na ina­kala kong magmamahal nang tapat sa’kin ‘yun  pala ay magsasalawahan.

Dalawang taon kaming naging mag-on at akala ng mga magulang namin ay magkakatuluyan na kami.

Pero bigla na lang siyang naglahong parang bula. Pati magulang niya ay na­ta­ranta sa paghahanap sa kanya. Hanggang lumipas ang isang buwan at nagbalik siya na may kasamang babae’ng pinakasalan na niya.

Sabi niya sa akin, napikot siya. Isi­numpa ko siya at mula noon, kahit naki­kipag-boyfriend ako ay hindi seryoso at hindi nagtatagal.

Maraming nanliligaw sa akin pero ang galit ko sa una kong boyfriend ay matindi at lahat ay nadadamay.

Mabubuhay pa kaya ang puso kong namatay na sa pag-ibig? Pinag-aasawa na kasi ako ng aking mga magulang.

Robina

Dear Robina,

Huwag mong hayaang huminto ang galaw ng buhay dahil lamang sa isang masaklap na karanasan.

Lahat ng tao ay nakararanas ng ka­bi­guan sa iba’t ibang sitwasyon. Ngu­nit­ ang ganyang pangyayari ay hindi dapat magbunga ng depresyon upang habang buhay na magmumukmok ka sa kasawian.

Maaaring naririyan lamang ang lalaking magmamahal sa iyo at iibigin mo rin kaya huwag mong piringan ang iyong mga mata at pagkaitan ang sarili mo na lumigaya.

Give it one more try Robina at hangad ko ang kaligayahan mo.

Dr. Love

 

Show comments