^

Dr. Love

‘Di siya love ng love niya?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Romey, 29-anyos at wala pang asawa.

Ramdam ko kasi’y hindi pa dumarating ang babaeng magpapatibok sa aking puso. Marami akong pinalampas na pagkakataon. Nakakilala ako ng mga babaeng maganda na at may kaya pa. Ni-hindi ko sila sinamantala kahit nagpapa­kita ng motibo.

Konserbatibo kasi ang pananaw ko sa pag-ibig. Kung init ng katawan lang ang hangad mo sa babae ay kalimutan mo na lang.

Hanggang sa dumating sa buhay ko si Emma, 20-anyos. Ordinaryo ang ganda niya pero naram­daman ko for the first time ang pag-ibig na matagal ko nang hindi nadarama simula nang maki­pag-break ako sa una kong nobya matapos na malaman kong may iba siyang kasintahan.

May dalawang buwan ko nang nililigawan si Emma pero kaibigan lang daw ang turing niya sa akin. Wala pa rin siyang boyfriend ayon sa kanya.

Bakit ganun? Kung kailan ko natagpuan ang mamahalin ko, ayaw naman sa akin. Ano ang gagawin ko?

Romey

Dear Romey,

Dalawang buwan pa lang sumusuko ka na? Alam mo, may mga konserbatibo ring babae tulad ng pagiging makaluma mo. Malay mo sinusubukan ka lang niya kung hanggang saan ka tatagal.

Alam mo mapalad ang mga lalaking nakukuha ang isang hard to get dahil ang ganyang babae ay dala-dala pa rin ang sinaunang kultura na may pagpapahalaga sa kahinhinan at kabutihang asal.

Tuloy mo lang ang panliligaw at pa­sa­saan ba iyan at sasagutin ka rin ng oo.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

BAKIT

DALAWANG

DEAR ROMEY

DR. LOVE

LANG

ROMEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with