Naging tulay si Utol
Dear Dr. Love,
Akala ko nung una ay madali kong mapapasagot ang dinidigahang kaibigan ng kapatid ko, pero nagkamali ako dahil mali pala ang basa ko sa mga obserbasyon ko sa kanya, kasama na ang mga isinusulat niya sa facebook.
Sa facebook lang kami nagkakilala ni Elena. Attracted po ako sa photo niya kaya naging interesado ako. Sinabihan ko ang kapatid kong si Glenda na gusto ko maging kaibigan si Elena at doon na po nagsimula.
Minsan namin napag-usapan ang tungkol sa pag-ibig, gusto ko po kasing malaman ang opinyon niya tungkol dito. Natameme po ako dahil ang sagot niya ay pangarap niyang magmadre.
Sawi si Elena sa kanyang unang pag-ibig at sa palagay ko ay nag-iwan ito ng maraming pangamba sa kanya. Kaya marahil pabagu-bago ang isip niya. Lumalabas na kami pero biglang sinabihan niya ako na walang ipinagkaiba ang ipinapakita ko sa kanya, sa mga naging boyfriend niya.
Naglay-low muna ko sa lahat ng tungkol kay Elena, gusto ko rin malaman kung mami-miss niya ako. Pero ako ang hindi nakatiis.
Sa ngayon ay hinihintay namin ang paparating na birthday ni Elena sa Valentine’s Day para kami ay makapagpakasal na. Salamat sa kapatid ko na siyang naging tulay para magkatuluyan kami ng babaeng bumihag sa puso ko.
Maraming salamat po at God bless you.
Gumagalang,
Robert
Dear Robert,
Marahil nakita ng iyong kapatid ang serÂyosong damdamin mo sa kanyang kaibigan at ganun din naman sa kaibigan niya. Kaya para mas maging malinaw ang estado ninyo sa isa’t isa ay siya ang nagsilbing tulay para magkaÂintindihan kayo ng maayos.
Sa madalas na pagkakataon, nagiging komplikado ang sitwasyon habang nasa getting-to-know stage ang dalawang lover at doon pumapasok ang kahalagahan ng isang tao na parehong nagmamalasakit sa magkabilang panig para maayos kung anuman ang gusot.
Best wishes sa inyong dalawa!
DR. LOVE
- Latest