Dear Dr. Love,
Tawagin n’yo na lang akong Judith. May bf po ako at seven months na kami. Nagkaroon ako ng best friend na lalaki na pinagseselosan niya. Magkaibigan lang po kami nun.
Ayaw po niyang nakikita kami ng best friend ko na nagtatawanan at binibigyan niya ng kahulugan.
Palagi kasing busy sa trabaho ang boyfriend ko kaya pinagbubuhusan ko ng oras ang kaibigan kong lalaki. Pero wala po ’yung ibang kahulugan.
Nung isang gabi ay nag-away kami ng boyfriend ko at minura niya ako. Pinapipili niya ako kung sino ang pipiliin ko. Siya o kaibigan ko?
Mahal ko po siya pero hindi naman masamang makipagkaibigan ‘di po ba?
Judith
Dear Judith,
Masyadong possessive ang boyfriend mo. Kahit mahal mo siya, isipin mo kapag mag-asawa na kayo. Baka may makausap ka lang na ibang lalaki ay bibigyan na niya ng masamang kahulugan.
Mabuti habang maaga ay nakilala mo siya. Hindi mabuti ang sobrang pagseselos sa isang relasyon, maliban na lang kung may nakikita siya sa iyo na talagang dapat ipagselos.
Dr. Love