^

Dr. Love

Humihirit pa ng isang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa maglalabing-apat na taong pagsasama namin­ ng aking asawa na si Jonathan, hanggang ngayon ay bigo pa rin kami na masundan ang aming­ anak na si Izza.

Hindi lang kaming mag-asawa ang naghaha­ngad na magbuntis na ako, Dr. Love kundi maging­ ang aming­ anak. Ang sabi ni Izza, malungkot ang nag-iisa at ang suggestion niya kung talagang mahirap na para sa akin ang magdalan-tao ay mag-ampon na lang daw kami.

Pero hindi sang-ayon sa ideyang ito ang aking­ asawa. Kung mag-aanak daw kami, kailangan mula sa aming dugo. Hindi naman ho kami nagpa-family­ planning, talagang hindi lang kami makabuo.

Minsan kong inala ang tungkol sa modernong pagkakaroon ng anak, tulad ng test tube baby. Pero nanga­ngamba po ako tungkol sa magiging kalusugan ng baby kung sakali, lalo na sa malaking gastos sakaling pumayag ang asawa ko tungkol dito.

Nagtataka naman po ako sa aking asawa, na kung kailan mag-40-anyos na ako at nagkakaedad na siya ay saka siya masyadong pursegido. Sa palagay po ba ninyo, maaaring pagsimulan ng problema sa aming pagsasama ang tungkol sa kagustuhan naming magkaroon ng isa pang anak? Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Jenny Salgabo

Dear Jenny,

Sa pagkakaalam mo, hindi pa huli para sa iyong edad ang tsansang magbuntis muli.

Magpatingin ka sa isang obgynecologist, ang espesyalistang ito ang makakatulong para matukoy ang estado mo sa pagbubuntis. Pwede rin kayong humingi ng guidance sa doctor kung sakali ay mapataas ang tsansang makabuo pa kayo.

Maaaring maging bahagi ng proseso ang pagpapatingin din sa espesyalista ng iyong asawa para malaman din ang kapasidad niyang mag-produce ng semilya.

Sa edad na 40 puwede pa namang magkaanak ang isang babae na malusog ang  pangangatawan.

Kung talagang loloobin pa na magkaroon ka pa ng isang dagdag na supling, kusang darating iyan kung walang diperensiya ang iyong obaryo .

‘Yun nga lang gaya ng nabanggit mo na nakataya na rin sa hangaring ito ang iyong kalusugan.

Kung ikaw ay magkukuwarenta anyos na ano namang­ edad ng mister mo?

Kung mas matanda siya sa iyo, ang isang problemang maaaring kaharapin ay matanda na kayo ng mister mo kung magsilang ka pa ng isang baby.

Hindi kaya mahirapan kayo kapwa sa malaking pagitan ng age gap ng bunsong anak at ni Luzzi Anne Maaari pa ring mahirapan kayo sa pagtataguyod ng pagpapaaral kung kayo kapwa ay may edad na ng iyong asawa at kung magkaroon pa kayo ng problemang pangkalusugan.

Pag-isipan din ninyo ang konsekuwensiya ng hangaring­ ito.

Dr. LOVE

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                         

  

 

ASAWA

DEAR JENNY

DR. LOVE

IZZA

JENNY SALGABO

KUNG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with