^

Dr. Love

Happy ending pa rin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa maraming bagay, nangyayari ang kaba­ligtaran ng inaasahan. Ganito po ang nangyari sa love story namin ng kababata kong si Diego.

Simula’t sapul alam ko na may pagtatangi na ako sa kababata kong ito pero nilihim ko ang lahat kahit pa kami ay matalik na magkaibigan, lalo na nang magsimula na siyang manligaw at magka-girlfriend sa katauhan ni Rona.

Bukambibig niya po si Rona, na para sa kanya ay anghel ang itsura at maging sa kabutihan ng puso. Pero isang pangyayari ang lubhang dinamdam ni Diego. Na-diagnose na may breast cancer si Rona at hindi na nalampasan ang pagsubok ng kanyang karamdaman.

Gumuho ang mundo ni Diego at ayaw nang magpatuloy sa kanyang pag-aaral. Salamat na lang at bago pa nangyari ang lahat ay naipakilala na niya ako kay Rona at ang mga naiku­kwento ni Rona sa akin ay nagagamit ko para palakasin ang loob ni Diego at maging positibo pa rin sa buhay.

Hanggang sa mamalayan ko na lang na nililigawan na ako ni Diego, nagkaroon kami ng relasyon at pinasalamatan ako ng sobra ng kanyang pamilya. Dr. Love, kahit gaano pa ako kagusto ng pamilya ni Diego, alam ko na hindi ako basta makakawala sa anino ng ex-girlfriend niya.

Dahil dito ay nagpasya akong mag-apply ng trabaho sa ibang bansa para makalayo, inilihim ko muna ang lahat kay Diego at nung paalis na ako, tsaka ko ipinagtapat. Nagalit po siya at sinabing nagsasawa na raw ako sa kanya.

Bago pa ako umalis ay may ibinigay siyang sulat sa akin. Naluha po ako dahil nagkamali pala ako ng akala, kabaligtaran pala ng iniisip ko tungkol sa tunay na damdamin ni Diego. Mahal na mahal niya ako at sa katunayan ay selos na selos raw ang kanyang ex-girlfriend sa akin nung nabubuhay pa. Gusto ko nang kanselahin ang kontrata ko sa nalaman ko para hindi na kami magkalayo pa.

Maraming salamat po at sana mailathala ninyo ito para mabasa niya kung gaano ko siya kamahal.

Gumagalang,

 Flordelisa        

Dear Flordelisa,

Hindi talaga natin dapat pangunahan ang bawat sitwasyon para maiwasang magkamali. Anyway, happy ending pa rin naman ang iyong new year. Enjoy!

DR. LOVE

 

vuukle comment

AKO

BUKAMBIBIG

DAHIL

DEAR FLORDELISA

DIEGO

DR. LOVE

FLORDELISA

GANITO

RONA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with