Malas sa pag-aasawa?
Dear Dr. Love
Hindi ko mapigil na ibahagi ko ang kasaysayan ko sa iyo. Tawagin mo na lang akong Ricardo, 45-anyos.
Four years ago, namatay ang una kong asawa sa sakit na cancer sa obaryo. Iniwan niya sa akin ang isang anak na babae na ngayo’y anim na taong gulang na.
Matapos ang isang taon ay nag-asawa uli ako dahil hindi ko kayang mag-isa. Inisip ko rin na kailangan din ng anak ko ang pangalawang ina.
Hindi pa umaabot ng isang taon ang aming pagsasama ay nadulas sa banyo ang misis ko na naging comatose sa loob ng dalawang linggo hanggang mamatay.
Magdadalawang taon na sapul nang mangyari yaon at ngayo’y may bago akong girlfriend na mahal na mahal ko. Pero nangangamba ako na kung pakakasalan ko siya, baka matulad din siya sa nauna kong mga misis na namatay.
Naniniwala ka ba sa malas?
Ricardo
Dear Ricardo,
Hindi ako naniniwala sa malas at suwerte. Namatay ang nauna mong dalawang asawa dahil hanggang doon na lang ang buhay nila na itinakda ng Diyos.
Bilang Kristiyano, walang bagay na nangyayari dahil sa tsansa. Sa lahat ng bagay ay may mabuting layunin ang Diyos tulad ng sinasabi sa Romans 8:28 na “all things work together for good to those who love God and according to His purpose.â€
Kung may nangyayari mang ibang bagay na hindi maganda sa atin gaya ng sakit, bunga ito ng kapabayaan natin sa ating kalusugan. Kung naaaksidente man ang tao, kulang siya sa pag-iingat.
Manalig ka lamang sa Diyos at sa Kanyang Salita at hindi magiging totoo sa buhay mo ang tinatawag mong kamalasan.
Dr. Love
- Latest