^

Dr. Love

Problema ang pampakasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dati, wala sa bokabularyo ko ang maging isang ama at pakasal sa isang babae para magkapamilya. Nabago po ang pangakong ito nang magbunga ang aming pagsasama ng dati kong nobyang si Myrna, isang malusog na batang lalaki, si Zaldy.

Sayang nga lang at hindi nagtagal ang aming pagsasama ni Myrna dahil kapwa kami hindi pa handang magpamilya. Sa ilalim ng iisang bubong nakita naming dalawa ang malaking pagkakaiba ng aming mga ugali at prayoridad sa buhay. Nagkasundo kaming maghiwalay muna dahil hindi kami magkasundo at apektado ang aming anak.

Si Zaldy ay nanatili sa pangangalaga ni Myrna at dalawang araw isang linggo ko nabibisita ang anak kung wala akong pasok sa opisina. Pero nang lumaon ay tumitindi ang pananabik ko sa aking anak at gusto kong magkaroon ng mas malaking bahagi sa kanyang buhay. Kaya naisip ko na makipagbalikan kay Myrna.

Hindi naman po tutol si Myrna basta kailangan ay pakasal kami. Nape-pressure po ako nang husto, Dr. Love dahil wala naman akong permanenteng trabaho at hindi ko maibibigay nang agaran ang kondisyon ni Myrna. Isa pa, may kakumpetensiya po kasi ako. May manliligaw siya na may alok na mas magandang kinabukasan para sa kanila ng aking anak. 

Hindi ko naman po gusto na si Myrna ang bumuhay sa amin ng aking anak. Paano po kaya ang dapat kong gawin? Ayaw kong payagan si Myrna na magpakasal sa iba pero wala naman akong maipangakong alternatibong buhay para sa kanya at sa aming anak. Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Anthony

Dear Anthony,  

Mahalaga na nakakatiyak ka sa iyong sarili na ang pakikipagbalikan sa dating karelasyon ay may pagmamahal, lalo na at ikinukonsidera mo na ang inyong pagpapakasal.

Hindi naman kailangan na magarbo ang kasalan, kung walang budget may kasalang bayan na pabor sa bulsa. Magagawan ng paraan basta gugustuhin. Kausapin muna si Myrna tungkol dito at kung walang magiging problema, sa lalong madaling panahon ay lakarin mo na ang mga kailangan para ibigay mo na ang seguridad na kailangan ng iyong mag-ina.

DR. LOVE

 

ANAK

AYAW

DATI

DEAR ANTHONY

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISA

MYRNA

SI ZALDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with