Dear Dr. Love,
Hayaan mong ako ang unang bumati sa iyo ng advance Merry Christmas. Sana ay sumainyo ang buong pagpapala ng PangiÂnoong Diyos.
Tawagin mo na lang akong Lory, 30-anÂyos at isang secretary sa isang maliit na kumpanyaÂ. Mag-isa akong bumubuhay sa kaisa-isa kong anak simula nang mamatay ang aking asawa may 5 buwan na ang nakakaraan.
Mahirap pala ang single parent, Dr. Love. Umuupa lang kami ng apartment na P5 libo kada buwan at ang suweldo kong 20-libong piso isang buwan ay kulang na kulang. Iniintindi mo ang bayad sa tubig at ilaw na umaabot kung minsan ng mahigit P2 libo.
Mabuti na lang at mabait ang aking mga in-laws na nagbibigay sa amin ng P5 libo bawat buwan. Tulong daw nila sa apo nila. Nakatutulong din dahil nako-cover na ang bayad sa upa ng bahay.
Pero kailangan pa ring magtipid. May gusto sa akin ang aking boss at inaalok ako na mag-live-in kami. Pero may asawa siya at ayaw kong maging home breaker.
Kaso nakakatukso ang alok niya dahil magiging maluwag ang buhay naming mag-ina sa kanya. Dapat ba akong matukso, Dr. Love?
Lory
Dear Lory,
Maski papaano’y matiwasay pa naman kayong nakararaos sa tulong ng iyong mga biyenan. Mahal ka nila kaya huwag mong gagawin ang bagay na makakasugat sa kanila. Kahit patay na ang anak nila ay para mong dinungisan ang kanyang dangal sa pagsama sa lalaking may pananagutan na.
Isa pa, halos kamamatay lang ng asawa mo at ‘di ka pa nakapagbababang luksa. Kung hahanap ka ng bagong kapareha ay tiyakin mong walang asawa at kayo’y magpakasal para ang lahat ay nasa ayos. Ngunit bago mo gawin iyan, magpalipas ka pa ng panahon dahil limang buwan pa lang sapul nang mamatay ang mister mo.
Dr. Love