Dear Dr. Love,
Nagtatrabaho po ako sa pang-gabing bahay-aliwan pero hindi ko po gusto na manatili na lang sa ganitong buhay. Bawat gabi baon ko sa aking pagtatrabaho ang pag-asa na makakakilala rin ako ng isang knight and shining armor na mag-aalis sa akin na lugar na ito.
Isa si Alex sa mga naging parukyano, piÂnag-aagawan siyang i-table. Ganoon po kasi lalo na at bago pa lang siya sa paningin ng lahat. Nilingkisan siya ng dalawa kong kasamahan at dinala sa night spot pero nginusuan niya ang isa sa kanila at itinuro ako.
Iyon na ang simula ng aming pagkakakiÂlala. Galante si Alex, Dr. Love kaya laging maÂganda ang pakita ko sa kanya, sa takot na mawala pa. Tinupad niya ang pangakong ibaÂbahay ako sa kondisyong siya lang ang aasikasuhin ko.
Pero lahat ay may katapusan, lalo na’t paÂwang kasinungalingan ang paraan para maÂkaÂdenggoy ng inosente. Hindi ko makakalimutan ang engkuwentrong nangyari sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Tadtad ng bala at naliligo sa sariling dugo si Alex. Isa pala siyang leader ng sindikato ng droga.
Muntik na pala niya akong madenggoy para maging miyembro ng kanyang grupo na nambibiktima ng mga kabataan sa University belt.
Sa ngayon po, balik na naman ako sa paÂngangarap ng magandang bukas. Maraming salamat at more power to you.
Gumagalang,
Kathy
Dear Kathy,
Maganda ang pagkakaroon ng pangarap para mabago ang anumang kalagayan sa buhay. Pero mas mapapadali ang katuparan nito kung ikaw mismo ay hahakbang para sa unti-unting pagkamit mo dito.
Tama, huwag kang makontento sa pagtatrabaho sa bar. Dahil napakaraming pwedeng pagpilian na hanap-buhay, lakasan lang din ng loob at pagtitiyaga ang kailangan dito.
Lagi mong tandaan na ang bawat sikat ng araw ay puno ng napakalaking pag-asa na magkaroon ng magandang buhay ang bawat isa sa atin. Samahan mo rin ng panalangin ang bawat pangarap mo, para makamit mo ang gabay ng ating Lumikha sa iyong pagbaÂbagong buhay.
DR. LOVE