Dear Dr. Love,
Bayaan mong ipaabot ko sa iyo ang aking pagbati ng mabiyayang araw.
Tawagin mo na lamang akong Francisco, 68-anyos at nagtatanim ako ng niyog dito sa Lucena.
Sa kabila ng edad ko, nagkaroon ako ng 23-anyos na kasintahan at nagsama kami, palibhasa’y limang taon na akong biyudo at ang dalawa kong anak ay may sarili ng pamilyaÂ.
Sa loob ng dalawang taon naming pagsasama ay nakakita ako ng pagbabago sa kanya. Hindi na siya ang dating malambing sa akin at madalas ginagabi ng uwi mula sa pagtitinda ng gulay sa palengke.
May nakapagsumbong sa akin na mayroon daw siyang lalaking kinakatagpo na kasing-edad niya. Hindi ko magawang sitahin siya sa kanyang ginagawa dahil ayaw kong matuÂluyang magkawalay kami.
Mahalaga sa akin na sa gabi’y may kasiÂping ako, marahil dala na rin ng edad ko na nangangailangan ng ka-partner.
Ngunit parang tinik na nakatanim sa puso ko ang aking pagdududa sa katapatan ng kiÂnaÂkasama ko. Parang hindi kayang dalhin ng aking dibdib at natatakot akong baka ataÂkihin na lang ako sa puso.
Ano ang maipapayo mo sa akin?
Francisco
Dear Francisco,
Mahalagang tanungin mo siya sa paraang mahinahon para malaman mo kung ano ang totoo at hindi ka lamang nakasandal sa mga sabi-sabi.
Kung magtaksil man siya sa iyo, ang ganÂyan ay malamang na mangyari lalo pa’t ma’y edad ka na at wala na ang kabataan mo para ibigay ang init na kinakailangan ng iyong batang kinakasama.
Isa pa, hindi kayo kasal at kung sumama man siya sa ibang lalaki ay hindi mo siya puwedeng asuntuhin o kasuhan.
Hindi ako pumapabor kailan man sa tinatawag na live-in pero sa kaso mo na matagal nang may kinakasama, ang maipapayo ko ay mag-usap kayong dalawa at kung ano man ang malalaman mo ay tanggapin mo nang maluwag sa iyong puso.
Dr. Love