Dear Dr. Love,
Isa po ako sa marami n’yong tagahanga dahil sa magaganda ninyong payo sa mga may problema sa love.
Sana ay mapaunlakan ninyo na matampok ang sulat ko sa inyong popular na columnÂ.
Tawagin n’yo na lang akong Iris, 24 anÂyos at dalaga pa na nagtatrabaho sa isang pabrika ng biscuit.
Noon ako po ay nasa edad na 18, nagkaroon ako ng boyfriend at dahil sa kapusukan ng isang kabataang tulad namin ay nakalimot kami sa sarili. Naibigay ko ang aking pagkadalaga sa kanya.
Pagkatapos noon ay nawala na lang siya dahil lumipat ang pamilya niya sa ibang lugar.
Nakapag-asawa na ako ng iba ngayon at may isa na kaming baby na pitong buwan na ang edad.
Nang mapasok ako sa pabrika ng biscuit ay hindi ko akalaing magtatagpo kami rito ng dati kong boyfriend. May asawa na rin siya na katrabaho rin namin.
Kaso po, laging makahulugan ang tiÂngin niya sa akin. Ayaw ko nang makalimot sa sarili. Ano ang gagawin ko?
Iris
Dear Iris,
Mahirap naman kung ipapayo ko na mag-resign ka sa trabaho para siya iwasan dahil batid kong mahirap humanap ng trabaho. Basta huwag mo na lang siyang panÂsinin. Palagay ko ay hindi siya mangaÂngahas na gumawa ng hakbang para magÂkabalikan kayo dahil kasama ninyo sa trabaho ang asawa niya.
Mabuti rin na magtapat ka sa iyong asawa at kung maaari ay magpasundo ka sa kanya pagkatapos ng trabaho para walang pagkakataon na magkasama kayo ng ex mo na kayo lang dalawa.
Pero habang hindi ka niya kinukulit ay wala kang dapat alalahanin. Mag-iingat ka lang palagi at lagi mong isipin ang kabuÂtihan ng iyong pamilya.
Dr. Love