Dear Dr. Love,
Hayaan mong simulan ko ang aking liham sa pamamagitan ng mainit na pagbati sa iyo, sampu ng mga regular mong readers.
Tawagin mo na lang akong Rita, 25-anyos at namomroblema ako sa aking boyfriend. Siya ay 30-anyos na at nagtataka ako kung bakit iniiwasan niya ang kasal.
Sa tuwing binubuksan ko ito sa kanya ay parang umiiwas siya.
Sa loob ng 3 taong relasyon namin ay minsan ko lang naibigay ang aking sarili, isang bagay na pinagsisihan ko dahil ang pamilya ko ay debotong Katoliko.
Hindi na kami bata at kailangan din naman na bumuo na kami ng aming pamilya kaya ko siya kinukulit sa kasal.
Ano kaya ang dahilan niya at parang allergic siya sa salitang kasal?
Rita
Dear Rita,
Tatanungin kita, gaano mo kaki lala ang boyfriend mo? Kilala mo na ba ang kanyang mga magulang at buong background ng kanyang pagkatao?
Baka kasi hindi na siya malaya kaya ganoon ang reaksyon niya sa tuwing babanggitin mo ang kasal.
Ang mga tanong mo ay hindi ko masasagot nang malinaw dahil hindi ko kaÂkilala ang boyfriend mo.
Siguro, once and for all ay mag-usap kayo ng masinsinan at alamin mo ang dahilan kung bakit ayaw niyang paksain ninyo ang tungkol sa kasal.
Baka dahil minsan mo nang naibigay ang sarili mo sa kanya kaya siya nagkakaganyan.
Dr. Love