Dear Dr. Love,
Matagal ko nang gustong sulatan ka pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Mabigat po kasing masyado ang problema ko.
Ikubli mo na lang ako sa pangalang Iris, 33 -anyos at may live-in partner. Dalawang taon na kaming nagsasama at may isa kaming anak. Hindi kami makapagpakasal dahil hiwalay siya sa asawa at hindi ma-annul ang kanilang kasal dahil ayaw lumagda ang babae.
Nagbanta pa siya na idedemanda kami. Ako adultery at concubinage naman at abandonment ang kinakasama ko. Kinakabahan ako ngayon.
Sabi naman ng kinakasama ko, ang asawa niya ang unang nagtaksil at sumama sa ibang lalaki.
Sana ay mabigyan ninyo ako ng payo.
Iris
Dear iris,
Kakailanganin mo ng legal advice ng abogado sa problema mo. Kung demandahan ang pag-uusapan ay mukhang talo kayo maliban na lang kung mapapatunayan na ang asawa ng kinakasama mo ang unang kumaliwa.
Nagsasama ba sila hanggang ngayon? Mayroon ba silang anak? Iyan ang dapat mapatunayan para mapatunayan na ang babae ang unang nagtaksil.
In your case, nagsasama kayo at may anak kaya kung idedemanda kayo ay tila may matibay na ebidensya.
Hindi ako abogado kaya dun kayo sa abogado ninyo magtanong kung anong legal remedy ang magagamit sa paglutas sa inyong problema.
Dr. Love