^

Dr. Love

Ayaw tanggapin ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sampung taon na kaming kasal ng asawa kong si Albert. Tahimik at maayos sana ang aming­ pamilya pero dahil sa tsismis na masaklap man ay gawa-gawa ng kanyang ina ay nasira ang aming samahan.

Seloso po ang aking asawa, nasa abroad na siya nang ipagkalat ng kanyang ina na hindi raw sa aking asawa ang pangatlong anak namin na noo’y ipinagbubuntis ko.

Dalawang magkasunod na babae po ang panganay at pangalawang anak namin. Bago siya umalis ay ipinagbubuntis ko naman ang pangatlo.

Dr. Love, sa matinding sama ng loob ko ay mun­tik nang malaglag ang pinakamimithi naming­ anak na lalaki. 

Ang ibinibintang po ng kanyang ina na kalaguyo ko ay ang kumpare ni Albert na minsang nadatnan niya sa aming bahay. Pero ito po ay hindi sa kung ano pa mang dahilan, maliban lamang sa pagtatanong kung saang agency nag-apply ang aking asawa para makapag-abroad.

Dahil sa ginawang kwento ng kanyang ina, biglaang umuwi si Albert. Wala naman akong kamalay-malay sa motibo nang pag-uwing iyon ng aking asawa.

At dito nagsimula ang aming kumprontasyon, na nauwi sa hiwalayan. Hindi ko sukat akalain na mas matimbang sa kanya ang bintang na walang sapat na batayan. Maliban lang sa galit ng kanyang ina sa akin dahil sa kagustuhang humingi ng mas malaking sustento mula sa kita ng aking asawa.

Ang hinuhulugan kong bahay at lote simula pa noong dalaga pa ako, ang siyang tinitirhan naming­ mag-iina ngayon. Isinunod ko pa rin kay Albert ang pangalan ng aming baby boy.

Pawarde-warde na raw ang buhay ngayon ni Albert, nasisante na siya sa trabaho at nawalan ng pamilya. Sana po ay may natutunan ang mga mambabasa ninyo sa aking karanasan.

Sakaling humingi ng tawad si Albert, dapat ko pa ba siyang tanggapin?

Gumagalang,

Perlita

Dear Perlita,

Marahil sa pagkakataong ito ay natutunan na ng iyong mister ang malaking pagkakama­ling nagawa niya, hindi lamang sa inyong pagsasama kundi sa kapakanan ng inyong mga anak. Kaya bigyan mo pa siya ng chance na maitama ang lahat. Hangad ng pitak na ito ang muling pagkakabuo ng inyong pamilya.

DR. LOVE

AKING

ALBERT

ASAWA

DAHIL

DALAWANG

DEAR PERLITA

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with