Dear Dr. Love,
Nang mabasa ko at marinig sa telebisyon ang love affair ni Freddie Aquilar na 60-years old sa isang 16-anyos na dalagita, para ko’ng nakita ang aking sarili.
Tawagin mo na lang akong Edmond, 58-anyos at may girlfriend na 15-anyos. Nagmamahalan naman kami ng girlfriend ko sa kabila ng aming agwat. Tulad ni Freddie, wala ring tutol ang kanyang mga magulang.
Siguro ito ay dahil mahirap lang sila at iniisip na ako ang makakahango sa anak nila sa kahirapan.
Pero bakit ganyan ang mga tao kung manghusga? Eh ano ang masama kung malaki ang agwat ng dalawang nagmamahalan?
Sana naman ay lawakan ng mga taong pumupula sa ganyang relasyon ang kanilang isip. Wala namang edad na pinipili ang pag-ibig.
Edmond
Dear Edmond,
Salamat sa sulat mo. Wala ngang masama kahit malayo ang agwat sa edad ng dalawang nagmamahalan.
Pero mayroon tayong batas na hangga’t wala pang 18-anyos ang babae ay itinuturing pang menor de edad at puwedeng makasuhan ang laÂlaking nakipagrelasyon sa kanya ng child abuse.
Sabihin man nating hindi hadlang ang edad, kung minsan ay may dis-advantage ito lalo’t hindi pa mature ang isip ng kapareha mo. Totoo ito sa babae at lalaki.
Maaaring hindi pa stable ang pag-iisip na puwedeng magbago.
Dr. Love