Ayaw mag-referee
Dear Dr. Love,
Kaibigan kong matalik si Joel, mula pa noÂong kami ay mga bata pa. Daig pa namin ang magkapatid kung magturingan. Nasasabi ko sa kanya ang aking mga problema at siya man ay gayundin sa akin.
Sa akin niya ipinagtapat noon na nobya na niya si Gladys, ang babaeng napupusuan para sa kanya ng kanyang mama. Nauwi sa kasalan ang lahat at isa ako sa mga naging abay.
Unti-unti ay naging kaibigan ko na rin si Gladys at napalapit na rin siya sa akin.
Mabilis na lumipas ang limang taon at nakaÂbili ang mag-asawang kaibigan ko ng bahay malapit sa aming village, kaya madalas nasa bahay sila pero hindi laging silang dalawa. Minsan si Gladys lang at minsan si Joel lang.
Minsan niyaya ko ang mag-asawa na mag-dinner sa bahay pero si Gladys lang ang dumaÂting. May overtime raw si Joel. Napansin ko na malungkot si Gladys kaya’t tinanong ko kung may sakit siya. Wala anya. At ang problema niya ay ang asawa niya. Napapansin daw niya na malamig na malamig na ito sa kanya. Maaari anyang dahil sa hindi pa siya nagdadalang tao. Nagpatingin na raw siya sa doktor at wala naman siyang diperensiya.
Nang si Joel naman ang makausap ko, huÂmingi siya ng tulong sa akin na sana raw ako na ang magsabi kay Gladys na gusto na niyang makipaghiwalay. Akala niya raw ay mapag-aaralan ang pagmamahal, pero nagkamali siya. Ang masaklap ay may mahal na siya.
Sinabi ko kay Joel na mag-marriage counseling silang mag-asawa baka mabago pa ang panaÂnaw niya. Pero desidido na raw siya. Ano po ba ang dapat kong gawin bilang isang kaÂibigan ng dalawa? Gusto ko ring ma-save ang kanilang marriage.
Gumagalang,
Celerina
Dear Celerina,
Kausapin mo uli ang matalik mong kaibigan at sikapin na makumbinsi siyang huwag maÂging unfair sa kanyang asawa. Maaaring may positibong hakbang ang mga magulang niya sa sitwasyon nilang mag-asawa. Ipaalam mo kay Joel na kung hindi siya kikilos ay ihihingi mo ng tulong ang kalagayan nilang mag-asawa sa magulang niya. Dahil mas awtorisado silang mamagitan kaysa ikaw ang gawin niyang refereeÂ.
Dr. Love
- Latest