Dear Dr. Love,
Kinalakihan ko nang laging nagbibigay at nagpapaubaya sa nakababata kong stepÂsister, kapatid ko sa ina. Dahil ang pangaral ni nanay, bilang nakakatandang kapatid ay paÂngalagaan ko ang kapatid ko.
Kaya lamang sa lahat ng hatian si Marian. Kapag may nagustuhan siya sa mga damit ko ay basta na lang niyang kinukuha at kung mapuri siya rito ay hindi na niya ibabalik sa akin.
Maganda siya kumpara sa akin, pero nagtataka siya kung bakit mas marami akong kaibigan at admirer. Dito nagsimula ang problema, Dr. Love. Dahil crush niya ang nanliligaw sa akin at gusto niyang arburin, siya na raw ang bahala kung paano makukuha ang atensiyon ni Miguel.
Kamukat-mukat Dr. Love, nabuntis si Marian at ang ama ay si Miguel. Kapwa sila hindi pa tapos. At dahil sa banta ng aking stepfather na hindi makakakuha ng board exam si Miguel ay napilitan siyang pakasalan si Marian.
Nagpunta ako sa US nang maaprubahan ang aplikasyon kong makapagtrabaho roon, naging US citizen na ako. Umuwi lang ako nang mamatay na si nanay. Nalaman ko na naging miserable ang buhay ni Marian at nagÂkaÂhiwalay na sila ni Miguel.
Hinanap ko si Miguel para pakiusapan na balikan niya ang kapatid ko. Pero galit siya at ako ang sinisisi niya kung bakit nagkanÂdaloko-loko ang buhay niya. Hindi raw buntis si Marian nang kanyang pakasalan. Hindi ito nasabi sa akin ng aking ina.
Sa ngayon po, sinisisi ko ang aking sarili sa masyado kong pagbibigay kay Marian noon. Sa tingin n’yo po ba ay may magagawa pa ako?
Gumagalang,
Editha
Dear Editha,
Walang mali sa ginawa mo, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa kung anuman ang sinapit ng kapatid mo. Siya ang nagdesisyon sa anumang kinalalagyan niya. At tungkol naman kay Miguel, wala kang dapat ipaliwanag sa kanya. Ang anumang namagitan sa kanila ng kapatid mo ay sinang-ayunan din niya.
Kung minsan kailangan sapitin ang hindi dapat para matutunan ang mahalagang lekÂÂsiyon sa buhay. Ipagdasal mo na lang na pareho nilang maisip ang mali at maitama ito.
Dr. Love