^

Dr. Love

Sa hirap at ginhawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mangyaring itago mo na lang ako sa pa­ngalang Alejandro, 40 taong gulang.

Mahal na mahal ko ang aking asawa at sa buong buhay ko ay hindi ako nakaisip na pumatol sa ibang babae. Wala kaming naging anak sa loob ng labinglimang taong pagsasama pero sa kabila nito ay hindi natinag ang aming pagmamahalan.

Pero tatlong taon na ang nakalilipas, dumanas ng stroke ang misis ko. Patay ang kalahati ng katawan niya at palagi na lamang nakaratay bagama’t nakakausap siya.

Pinakamasakit na kabanata ang nangya­ring ito sa aking buhay. Pero paglipas ng mga araw ay nakadama ako ng pangungulila.  Mahal ko ang asawa ko pero hindi na siya puwedeng makipagtalik.

Natutukso akong humanap ng ibang kandungan. Hindi ko naman siya iiwan kundi nais ko na mayroon akong nayayakap, nalalam­bing at nasisipingan.

Tama ba itong iniisip ko, Dr. Love? Tulu­ngan mo ako.

Alejandro

Dear Alejandro,

Nang magpakasal kayo ng misis mo ay sumumpa kayong magmamahalan at hindi magtataksil sa hirap at ginhawa.

Ano man ang kalagayan niya ngayon ay hindi dahilan para humanap ka ng ibang kandungan.

Ano man ang sabihin mo, ang binabalak mo ay pagtataksil sa asawang minahal mo pero ngayong may diperensya na ay ibig mong pagtaksilan.

Mag-isip-isip ka.

Dr. Love

 

ALEJANDRO

ANO

DEAR ALEJANDRO

DR. LOVE

MANGYARING

NANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with